Chapter 48 - Her Birthday

114 12 1
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

Nagsimula nanamang magtuluan ang luha ko. Lumuhod ako sa harapan niya dahil dun.

"Tiara, please. Ako nalang ang patayin niyo. Ako lang na!an ang may kasalanan sa inyo diba?"

Hindi niya ko pinansin, "Dalin nayan dun."

Piniringan nila ko sa mata kaya wala akong makita. Nasan naba kasi si Stephen? Bigla nalang siyang nawala.

Naramdaman kong pumasok kami sa elevator. Namamawis na ko at nanlalamig na ang mga palad ko. Kinakabahan ako. Natatakot akong makasakso nanaman ng kamatayan ng isa sa mga mahal ko sa buhay.

Bumukas na ang elevator. Pinapakiramdaman ko ang bawat hakbang na ginagawa namin. At ramdam ko na papuntang office ni mom ang patutunguhan nito.

Pumasok na kami sa isang pinto. Narinig ko rin ang pagsara nun. Napakalamig sa paligid. Wala akong marinig na kahit anong ingay.

"Nasan si mom ah!? Please hwag niyo siyang saktan. Ako nalang." Pagmamakaawa ko.

Naramdaman kong tinatanggal na nila ang pagkakapiring ko.

At hindi ko inexpect ang sunod kong nakita.

"Happy birthday, Gabriella!" Sigaw nilang lahat. May mga banners pa nga at mga confetti silang pinasabog.

Napaiyak ako. Nakita ko si mom na may hawak ng cake. Nang mapansin niyang papalapit ako ay binigay niya yun kay Trisha. Andito rin sila? Alam na nilang ako si Gabriella?

Niyakap ko si mom ng mahigpit. "I thought mawawala ka narin sakin. Takot na takot ako mom. Bakit niyo ko tinakot ng ganito?"

"Actually this is not my plan." Sabi ni mom saka ako nakarinig ng tawanan sa gilid.

"A-Alam niyo na?"

Buo ang CATASTROPHE. "Oo naman. Saka ano namang big deal dun? Ang laki din nang naitulong mo samin eh. Hehehehe siya nga pala. Sorry na Criz---I mean Gab. Idea talaga to ni Oliver eh." Sabi ni Princess.

"Oyy! Bakit ako ang sinisisi mo. Aba! Ikaw ang nagpasimuno nung takot takot na yun eh." Napatigil lahat.

"Nagsalita si Oliver ng higit sa isang sentence!" -Ronn

"HAHAHAHAHAHA!" Tawanan naman lahat dahil bihira lang talaga magsalita tong si Oliver.

Umirap si Tiara, "Nako, iniiba mo yung topic eh. Pano ikaw yung nagisip nung sa elevator. Pinagod mo pa si G---" tinakpan agad ni Ronn yung bibig niya.

"Hehehe. Ikaw talaga baby. Hwag ka ngang imbentor."

"Asdfghjklzxcvbnm." Hindi na namin naintindihan ang sinasabi niya dahil sa pagkakatakip ni Ronn sabbibig niya na pilit naman niyang tinatanggal.

"Hwag ka maniwala dito kay Tiara, Gab. Si Harold talaga ang nagplano nung sa elevator. Kita mong hacker yan eh." -Ronn.

"At talagang nandamay kapa no? Eh kung ikulong kita sa elevator!" -Harold

"Joke lang pre! Ikaw naman."

"Aamin na nga ako. Ang totoo kasi niyan si Ella talaga ang nagplano nun. Gusto niya daw kasi ako makasama dun sa loob ng elevator ng matag---"

"Aba't kung pinagsasama ko kaya kayong dalawa ni Ronn sa elevator nang wala ng labasan!?" -Ella.

"Awwtsu. As if namang matitiis mo ko. Eh mahal na mahal mo ko eh."

Namumula na si Gab, "Young!!! Kanina ka pa!"

Nang end up sila sa paghahabulan.

"Honey bunch, ang sweet nila oh! Habulan din tayo-aww!" Sabi ni Anthony na hindi na niya natapos dahil siniko siya ni Ailene sa may tyan.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon