Chapter 3 - His Birthday

68 4 0
                                    

Nagsuot ako ng isang white na dress. Saka nagmake-up narin ng konti. Baka kasi magmukha akong kawawa sa harapan ng mga kaibigan ni Trevor kung hindi ako maga-ayos.

8:30 palabas nako sa kwarto ko. Nang makita ko si Ella. Isa siya sa mga bully sa school pero wala nakong pakielam. Gabi na, natatakot ako.

"Ella!" Tawag ko sa kanya.

"What?" Tiningnan niya ko. "Teka nga, kailan pa kita binigyan ng permisong kausapin ako?" Ang taray talaga. Kung hindi lang talaga ko natatakot eh.

"Hehehe. San ka papunta?" tanong ko.

"It's none of your business." Pwede ba kahit ngayon lang umayos siya. Nakakatakot kaya maglakad ng magisa.

"Please, sabay mo nako."

"Pano kung ayoko?"

"Hehehe. Alam mo kasi Ella, balita ko naggagala nanaman yung killer ngayon. Mga ganitong oras siya nagsisimulang maghanap ng papatayin niya." Minsan effective din ang ganito eh. Hahahaha.

Tinaasan niya ko ng kilay, "Pwede ba h'wag mo kong tinatakot. Hindi naman nakakatakot."

Nagpanggap akong hindi ko alam na nanakot ako, "Ako? Tinatakot ka? Hindi naman. Sinabi ko lang naman sayo yung information na alam ko."

"Bahala ka nga dyan! Argh!" Naglakad na siya papalayo. Paano nako nito? Waaaaaaaaaaaaaaaaah!

Maya maya may narinig akong papalapit na footsteps.

"Ella, akala ko—"

Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa, "Mukha ka namang disenteng tingnan, sige na nga. Sumabay kana sakin."

Hehehehe. Kungwari pa siya. Natakot lang naman talaga siya.

"Tara na, papunta kasi ako sa labas, kasi manglilibre si Trevor." Tingnan mo 'to kung kailan di ko naman tinatanong kung san siya pupunta saka sinabi.

"Di ko naman tinatanong." bulong ko na mukhang narinig niya kaya sinamaan niya ko ng tingin.

Habang naglalakad kami nanatili lang syang tahimik.

Nakasalubong ko si Vea at inirapan niya lang ko, ngayon lang siya naging ganun sakin. Ang sakit. Napayuko nalang ako.

"May away kayo?" Biglang tanong ni Ella.

"Wala lang yun, nagkatampuhan lang." Nginitian ko nalang siya para itago ang lungkot na nararamdaman ko.

Nang nasa gate na kami, sinalubong kami ni Trevor..

Hindi ko alam kung ako lang, pero titig na titig siya sakin.

"Ang ganda mo." sabi niya. Oh my! Ang ganda ko raw.

"S-Salamat." ngumiti ako.

"Kasama ka pala, Gab? Bakit naman ganyan ang suot mo? Birthday ang pupuntahan, hindi misa." Mataray na sabi ni Ella saka pumasok na ng sasakyan.

"H'wag mo nalang siyang pansinin. Para sakin napakaganda mo ngayong gabi." Nakakatuwa nama na napansin niya ko. Hindi nasayang ang effort kong mag-ayos.

Pumunta kami sa isang restaurant. Naguusap sila ng mga kabarda niya pero ako tahimik lang sa isang tabi. Wala naman akong ka-close sa mga kaibigan niya eh.

"Gab, anung gusto mo?" sabi ni Trevor.

Hindi ko lang masabi na, 'ikaw Trevor, ikaw ang gusto ko.'

"Kahit ano." Yun nalang ang sinabi ko. Baka kung ano pang masabi ko eh.

"Sure ka ah?"

Dumating nayung pagkain namin, shrimp. Patay, hindi ako nakain nito. Allergic ako dito, naalala ko nung bata ako. Kumain ako nito 1 week nagsugat sugat ang balat ko.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon