Chapter 40 - Ivan's Killer

56 8 0
                                    

Stephen Harris' POV

Agad kaming humiwalay sa pagkakayakap ng may narinig kaming paparating. Si Tiara.

Pinunasan din agad ni Gab ang luha niya at hinarap si Tiara na parang walang nangyari.

"Hey, Crizzia! I've heard na may tinatarget ka nanaman, and it's Knight's Corporation. Pwede ba kong sumali kasama ang iba pang members?" kahit naman alam kong hindi gusto ni Tiara si Gab ay handa siyang tulungan kami anytime. Ganun din ang ibang members at ganun din kami sa kanila.

Kumbaga kapag nakaaway mo ang isa sa member ng CATASTROPHE, eleven na organization ang makakalaban mo. Kaya no one messes with us. Depende nalang kung kami ang nauna.

Ngumisi si Gab, "Pinaplano ko sana na ako nalang ang gagawa 'non. Dahil hindi parin din naman ganon kalakas ang mga Knights. In fact, baka kahit ang mga neophyte ng organization ko kaya na sila."

"Tsk. Wala palang challenge." Tiara.

"But, pwede niyo kong tulungan kung gusto niyo."

Crizza Adams' POV

*After 2 weeks*

"Gusto lang kitang i-remind na isa pang masamang balita tungkol sayo, kick-out kana." Nakangiting sabi sakin nung guidance. Wala naman akong pake. Kick man nila ako o hindi makakapasok parin ako dito.

Sa paglipas ng panahon, lalong nagiging magulo ang lahat. Hindi ko parin maintindihan kung bakit si mommy at daddy ang may ari ng Hoodlum. Kung bakit miyembro nila ang mga Knight at kung bakit hindi lumaban si Mommy ng ma-kidnapped kami at ng mamatay si Ivan.

Gulong-gulo nako. Napakarami ko pang dapat alamin. Gusto ko rin kasi iganti si Trevor sa nangyari sa kanya. Kailangan kong alamin kung bakit si mommy... bakit niya nagawang patayin ang asawa niya pa noon na si Sebastian Mitchell. Anung nagtulak sa kanya?

Gusto ko man malaman na ito lahat ngayon. But that's impossible. Kaya uumpisahan ko muna sa pumatay kay Ivan.

Umalis na yung guidance sa harapan ko kaya dumaretso narin ako sa CR ng dorm.

Chineck ko muna ang paligid saka kinuha ang phone ko at idinial ang number ni Taylor.

[Yes, Faulkerson?] Ramdam ko na naka-smirk pa siya habang sinasabi ang mga linyang yan.

"Sinabihan na kita, before. Ayokong tinatawag mo ko sa ganyang surname!" Napataas ang boses ko dahil dun.

[Chill! Bakit ka ba napatawag?]

"Ano sa tingin mo?"

[Bakit ba ang init ng ulo mo?]

"Hindi ako nakikipagbiruan, Jackson."

[Fine. Tss. Nakapasok na kami sa company nila. Well, you're right. Mahina ang security nila. Nakapagsama narin ako ng mga tauhan ko para maglikom ng pera ng Knights.]

Napangiti ako dahil dun, "Good. Be sure na walang matitira sa kanila. Siguraduhin niyo rin na hindi ito mate-trace. Dahil ako mismo ang magsasabi kay Sofia Knight."

Pagkatapos nun, binabaan ko na agad siya. Yun lang naman ang kailangan kong malaman.

"Anung sasabihin mo kay Sofia?" Sh*t! May tao pala dito?

At ang malala pa ay si Vea.

"What do you care?"

Veatrice Daniels' POV

"Sinabihan na kita, before. Ayokong tinatawag mo ko sa ganyang surname!... Ano sa tingin mo?... Hindi ako nakikipagbiruan, Jackson." Rinig kong sabi ng isang highblood na babae. May kausap ata sa telepono.

Nasa loob ako ng isang cubicle ng banyo dito sa CR. Anu ba naman tong babaeng to? Hindi tuloy ako makalabas ng banyo.

"Good. Be sure na walang matitira sa kanila. Siguraduhin niyo rin na hindi ito mate-trace. Dahil ako mismo ang magsasabi kay Sofia Knight." What? Anung connection niya kay Sofia?

Hayst. Nakakainit tuloy nang ulo pag naaalala ko si Sofia. Kinidnap niya na kaya kami minsan tapos kuya niya pa ang pumatay kay Ivan.

Nakakainis! Pagnalaman ko lang na may koneksyon to kay Sofia talagang aawayin ko to!

Lumabas agad ako ng cubicle to confront her.

"Anung sasabihin mo kay Sofia?" Si Crizzia pala. Yung kamukha ni Gab.

"What do you care?" Nakasimangot na sabi niya sakin. Minsan talaga hindi ko lubos na maisip na mamukhang kamukha niya ni Gab sa ugali niya.

"Anung koneksyon mo kay Sofia Knight?" Mas sineryosohan ko ang boses ko.

"It's none of your business." Tatalikod na sana siya sakin ng hawakan ko ang braso niya.

"Kapag lang talaga nalaman ko na may pinaplano kayo ni Sofia sa kahit sinong nandito sa dorm, hindi ako magdadalwang isip na saktan kayo."

Tiningnan niya ko saka nag-smirk, "oooh. I'm scared." Sarcastic niyang sabi saka kinuha pabalik ang braso niya at nagdire-diretso na palabas.

Grrrrr. Nakakainis!

Pagkatapos kong maglabas ng inis ko sa banyo lumabas nako at hinanap si Trisha

Nakita ko siya sa garden kung saan madalas tumatambay si Gab noon na nakatulala. Nilapitan ko siya.

"Hindi ba parang masyadong kakaiba ang mga nangyayari nang mga nakaraang araw?"

Tiningnan ko lang siya. Tama nga siya, parang masyadong maraming nangyayari.

"Hindi ba parang sunod-sunod at masyadong mabilis? Isipin mo nalang, yung muntikan nakong mapahamak at kung hindi pa may dumating nun. Pagkatapos dun sa party, sinabi mo sakin na may mga nakita kang parang may mga letters at numbers. Tas ngayon, eto si Crizzia na kamukhang kamukha ni Gab."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Diretsuhin mo na nga ako Smith. Anung pino-point out mo?"

"C1.13, Crizzia. Ang favorite number ni Gab ay 13. Hindi ko lang malaman kung para saan yung 1."

"Isa pa, hindi ba connected lahat? Hindi kaya si Crizzia ang nagligtas sakin noon? Hindi kaya si Crizzia at Gab ay iis---"

Tumayo ako at pinutol ang sinasabi niya, "How many times do I have to tell you na, No! Hindi sila iisa!!"

Napatungo siya at mukhang nagulat din sa pagtataas ko ng boses.

Umupo ulit ako kaya nakita kong umiiyak siya.

"S-Sorry." Mahinang sabi ko. Nagui-guilty tuloy ako.

"M-Masama bang umasa, Vea?" Tumingin siya sakin na tuloy parin sa pagiyak, "Masama bang umasa na buhay pa siya? Na may pag-asa pa tayong makasama siya ulit?"

Niyakap ko siya.

"Okay lang naman sakin kung magbago siya. Kung di na siya tulad ng dati. O kahit ayaw niya na satin. Gusto ko lang naman malaman e kung buhay siya."

Tumawa ako para mapa-light ang atmosphere, "kasi naman Trisha, mamaya ma-Colombia tayo kaaasa."

"Hahahaha! Loko ka talaga! Panira ng moment."

Napangiti nalang ako. Ayoko talaga na nakikita siyang umiiyak.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon