Chapter 35 - Crizzia Adams

41 9 0
                                    

Trisha Smith's POV

Bakit napakamalas namin? Wala kaming kinita sa buong sembreak. Tss. Kasi naman nung natanggal si Vea sa trabaho, nag-quit din si Prince na sinundan ni Vhince.

Anu pang gagawin ko? Edi syempre nag-quit din ako.

Papasok kami ngayon at kakapasok palang namin, isang kumpulan na ng mga estudyante ang nakita namin.

Tsk. Ang aga-aga pa ang iingay na. Anu bang pinagkakaguluhan nila.

"Siya ba yung transferee? Wow! She's so pretty!"

"Ang cool niya."

"Pero bakit naman ngayon pa siya nagpa-tranfer?"

"Oo nga no, konting kembot nalang graduation na."

"Teka, guys.. parang may kamukha siya."

Wala na sana kaming balak maki-usisa pero napatigil kami sa narinig namin.

"Kamukha siya ni Gabriella. Yung namatay 3 years ago."

"Oo nga no, pero di hamak naman na mas magand---" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla nalang naming binangga ang kumulan ng estudyante na yun para makita yung sinasabi nilang babae.

"Anu bayan, kami nauna dito, e."

"H'wag kayong madaya!"

S-Si Gabriella.

Nakaupo lang siya sa may table habang nagbabasa ng libro.

Napatakbo ako sa kanya at bigla nalang siyang niyakap.

"Gabriella!!!" Kusa nalang tumulo ang mga luha ko, "Salamat naman at bumalik kana!"

"Oh, God! Ang lakas naman ng loob niyang lapitan yung babae,"

"Oo nga! Samantalang tayo kanina pa dito. Di man lang makalapit."

Hindi ko na pinansin lahat ng nagsasalita. Nakiyakap narin si Vea. Iyak kami ng iyak. How?

Naramdama naming unti unti niya kaming tinulak palayo sa kanya, "E-Excuse me? Anung ginagawa niyo?"

"Gabriella, kami 'to. Ang mga kaibigan mo." Sabi ko.

"Sorry? Transferee lang ako dito, ni hindi ko nga kayo kilala." With that she left us. Gusto ko siyang habulin pero hindi ko magawa. Nanghihina ang mga tuhod ko.

Siya nga ba si Gab? Buhay ba talaga siya? Nagka-amnesia lang ba siya kaya hindi niya kami maalala? Pano siya nakaligtas sa aksidente? Panong buhay pa siya?

Lahat yan tumatakbo sa utak ko. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi niya kami makilala o sobrang tuwa dahil nandito na ulit siya.

***

"Anu kaba Trisha? Hindi nga siya si Gab. Ibang iba siya kay Gab." Pilit sakin ni Vea.

"Siya si Gab, ang kaibigan natin. Hindi ako pwedeng magkamali. Sinasabi ko na nga sayo kanina pa na pano kung nagka-amnes---"

"TUMIGIL NA KAYO, PLEASE.." Sabi ni Prince,

"SHUT UP!" Sabay naming sabi ni Vea kay Harris. Bakit kasi ayaw nilang maniwala sakin?

"Siya si Gab ang I'll prove it." Sabi ko sa isang mahinahon ng boses.

"How?"

"Basta."

Natapos na ang lunch break at bumalik na ko sa classroom kasama si Vhince. Nagpaiwan kasi muna yung dalawa. Magpapahangin lang daw.

Pagpasok na pagpasok ko ng classroom, there, nakita ko nanaman si Gab. Nagbabasa siya ng libro.

Hindi maikakaila ang kagandahan niya. Oo, dati maganda na siya pero iba ngayon. Parang perpekto na siya.

Gusto ko sana siyang lapitan pero lumapit si Drake sa kanya. Isang bully. Babaero din. Tss.

Baka kung anung gawin niya kay Gab,

"Hi, Miss," sabi niya pero ni hindi siya tinitingnan ni Gab, "Ehem... Anung pangalan mo?"

Tuloy parin siya sa pagbabasa. Parang sobrang focus niya at hindi niya pansin na may tao sa tabi niya.

Nilakasan ng konti ni Drake ang ubo niya, "Anung pangalan mo?"

"Wooooo... inii-snob ka, pre!?" Sabi ng isa niyang tropa. Shems. Anung gagawin ko baka saktan nila si Gab.

"Anu nga sabing pangalan mo, e!" Sabi niya saka hinablot ang libro na hawak ni Gab, "Pipi ka ba? Sayang naman kung ganun... Ang ganda mo pa naman."

Nanatili parin sa pagkakaupo si Gab habang masama ang tingin sa kanya.

"GIVE. ME. MY. BOOK." Sabi ni Gab sa isang mapangahas na boses.

"At pano kung hindi ko ibigay? Anung gagawin mo sakin?"

"Mr. Gonzales, baka hindi mo magustuhan kapag sapilitan ko nang kinuha 'yan sayo."

Nagtawanan ang buong tropa na nakapaligid sa kanya.

"Wala ka pala, pre!"

"Hahahahaha! Ang tapang!"

"'Yan ang gusto ko sa babae, palaban." Hinarap ni Drake 'yung nagsalita na yun.

"Gago! Akin na 'to."

"Miss, halata namang gusto mo rin ako. Tingnan mo alam mo na agad ang apelyido ko. Ibig sabihin talker na kit--"

"Pre, stalker yun!"

"Gagong 'to. 'Wag ka ngang panira ng diskarte."

"ALL OF YOU, SHUT UP!" Nagulat kaming lahat sa pagsigaw niya. Nanigas kami sa kanya kanya naming pwesto. Yung iba nga ay napanganga pa, "Sabihin niyo lang kung ibibigay niyo ba ng maayos o kailangan ko pa kayong gamitan ng dahas?"

Ngayon, nanonood na ang buong klase sa kanila. Hindi lang pala buong klase. Pati yung mga nasa ibang room.

Nag-smirk si Drake, "ibibigay ko naman, e. Halikan mo mun---"

Nagulat nalang kami sa biglang pagtumba ni Drake dahil sa lakas ng suntok ni Gab. Napaatras tuloy ang tropa ni Drake. Tss. Mga duwag.

Inilahad ni Gab ang kamay niya kay Drake, "My book."

Nagmatigas parin si Drake. Nilayo niya ang libro kay Gab. Makikita mo kay Gab na sobrang napipikon na siya.

Tumayo si Drake, "Pasalamat ka at hindi ako napatol sa babae."

Bilang tinuhod ni Gab ang ano ni Drake, ah, basta alam niyo na yun. Napahawak tuloy dun si Drake, kawawa naman. Siguradong ang sakit nun.

Nag-smirk si Gab, "hindi mo parin ba ko papatulan?"

Napikon na din si Drake at hinarap kay Gab ang libro, "Ito ang dahilan kung bakit mo ko sinasaktan diba? Panoorin mo habang sinisira ko!"

Pinunit ni Drake ang libro ni Gab. Grabe ang galit niya dahil parang kada-page yung pagkakahiwa-hiwalay.

Nag-dilim ang aura ni Gab, "FUCK, THAT'S FROM EUROPE! AT ALAM MO BA ANG MAS MALALA, MAS MAHAL PA YAN SA BUHAY MO!" sabi niya in a gritted teeth.

Sinugod na niya si Drake. Binugbog niya ito. Pinagpapalo niya ang mga upuan sa classroom. Sipa doon, sipa dito.

Ilang minuto pang tumahimik ang lahat dahil narin sa pagkamangha at pagkaawa kay Drake.

Sinasabi pa ng iba na nahanap na ni Drake ang katapat niya.

"Napakagandang panimula, Ms. Crizzia Adams." Sabi ni Ms. Tapia sa isang napakaseryosong boses, "Come with me."

Crizzia Adams pala ang pangalan niya. Hindi Gabriella. At lalong wala siyang nakuhang ugali kay Gabriella.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon