Chapter 32 - Left

62 10 0
                                    

Veatrice Daniels' POV

Ilang linggo na pero ganun parin si Gab. Hindi na sya nakain at hindi narin nalabas.

Pero kaming dalwa ni Trisha kailangan naming ipagpatuloy ang buhay namin.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko bukas pagpasok ng may tumawag sakin.

Tita Shannel's calling

"Yes, tita?"

"Ok po. Pupunta napo kami dyan."

"Sino yun?" tanong sakin ni Trisha.

"Dadalin na daw si Gab sa ibang bansa para doon magpagaling."

Lumakad na kami ni Trisha papunta sa bahay nina Gab. Sa bahay nalang kami magpapaalam sa kanya. Ayaw na namin sa airport dahil baka mas maging madrama pa.

I know maraming mangyayari pagkatapos nito. Pero ang positive naman sanang mangyari ay ang paggaling ni Gab.

Nang makarating kami kay na Gab. Nakita ko si Tita na inaalalayan si Gab papuntang kotse.

"Tita!" Tawag ko.

"Mabuti at nandito na kayong dalawa, sana ay maintindihan niyo kung bakit ko sya ilalayo sa inyo ng panandalian. H'wag kayong mag-alala pagbalik niya mas better na Gabriella ang makikilala niyo."

"Naiintindihan naman po namin, tita." Sabi ni Trisha.

Nilapitan namin si Gab na nakatulala parin hanggang ngayon.

Niyakap ko siya at bigla ko nalang naramdaman ang pagpatak ng mga luha ko galing sa mata ko.

"G-Gab, magiingat ka. Mahal na mahal ka namin. Ang dami ng nangyari at hindi ka sumuko. Alam kong matibay ka, magpagaling ka hindi para sa ibang tao kundi para sa sarili mo. Pangako mo sakin na pagbalik mo, magiging matatag kana." Sabi ko sa kanya.

Kasabay ng pagiyak ko nakita ko rin ang pagpatak ng luha niya kahit nakatulala.

"Ang drama niyo naman, e. Napapaiyak narin tuloy ako." Sabi ni Trisha saka nakiyakap na din.

"Sige na mga hija, mala-late na si Gab sa flight niya." Sabi ni tita.

"S-Si Gab lang po?" Tanong ni Trisha.

"Yes, hija. May aayusin pa kasi ako dito sa Pilipinas bago ako sumunod sa kanya."

"Kaya niya po ba mag-isa?" Tanong ko naman.

"Pinasamahan ko na siya sa isang pinagkakatiwalaan kong tao."

Pagkatapos nun ay sumakay na si Gab sa kotse at tuluyan nang umalis ang kotse na yun.

Hanggang sa muli, Gabriella Kayne Faulkerson.

Pagkatapos nun dumaretso na kami ni Trisha sa school. May klase pa kasi kami.

Kasama namin ngayon si Ella. Yeah, kaibigan narin namin siya. Nalaman kasi naming siya ang nagsabi sa mga pulis na nakidnap si Gab. Ayun parang naging savior na namin siya.

Kung hindi dahil sa kanya, baka wala na kami ngayon. Bumait narin siya, to be honest, medyo may pagka-mean parin siya minsan pero di tulad ng dati.

"Kamusta na nga pala si Gabriella?" Tanong ni Ella sakin.

"Kakagaling lang namin sa bahay nila at nakaalis na siya papuntang airport. Kailangan niya kasing magpagamot."

"Sorry, talaga ah. Kung nai-report ko lang sana ng mas maaga baka naligtas p-"

"How many times do we have to tell you that you don't need to blame yourself?" Sabi ni Trisha.

Lagi nalang kasi siyang ganyan pag napaguusapan si Gab. Lagi niyang sinisisi ang sarili niya.

"Kasi naman, e. Alam ko yung sakit. Nung mawala sakin si Lester talagang parang gusto ko nang patayin ang sarili ko para matapos na ang lahat. Anu pa kaya yun para kay Gabriella, nakita ng dalawang mata niya ang pagpatay kay Ivan." Sabi ni Ella.

Natahimik kami dun. Totoo naman ang sinabi niya.

Ilang minuto pa dumating na ang prof namin.

Sana talaga sumang-ayon na sa amin ang mga susunod na mangyayari.

Nang uwian na nag-decide kaming magmiryenda sa labas.

"Ang dami namang pagkain, para tayong nagce-celebrate samantalang ang daming nangyaring masama ng mga nakaraang linggo." Sabi ni Ella.

"Ito ay para sa paggaling ni Gab. Kailangan nating maging positive. Di naman porket ang daming nangyaring masama, kailangan sabayan ng lungkot ito." Sabi ko.

Nagiintay pako dahil baka may sasabihin pa si Trisha kaya lang tahimik nalang siya sa isang tabi dahil lamon na ng lamon kaya kumain narin lang ako.

"Isang eroplano ang bigla nalang sumabog habang ito ay nasa himpapawid. Tinatalang nasa isang-daang katao ang sakay nito. Sa ngayon patuloy paring sinasagawa ang pagiimbistiga sa nangyaring pagsabog." Sabi sa news sa TV dito sa kinakainan namin.

Biglang kumabog ang dibdib ko dun, hindi kaya? No! Be positive!

"Narito ang listahan ng mga sakay ng eroplano."

Pinakita sa screen ang mga iba't ibang pangalan. Napatayo naman kaming tatlo saka lumapit sa TV. Wala na kaming pake kung pinagtitinginan man kami ng ibang costumer dito.

Patuloy ko lang hinahanap kung nandito nga siya sa listahan.

Nasa E na ang mga surname malapit na ang F.

Eboña, Christa.
Edeño, Hannah.
Evans, Andre.
Evans, Chloe.

F na! Sana talaga hindi ito yung sinakyan nilang eroplano.

Faris, Jessica
Fassadi, Angelica.
Faulkerson, Gabriella.
Flores, Jhanalyn.

Tumigil ang mundo naming tatlo ng makita namin ang pangalan na yun sa listahan.

"N-No!" Sigaw ko saka nagtatakbo palabas. Nagwawala ako dun.

Grabe na 'to. Kailangan ba talagang maraming mawala?

"Vea! Calm down." Sabi ni Ella.

"Pano ko kakalma!? Ngayong wala na si Gab. Mahal na mahal namin siya." Tumulo nalang ang luha ko.

"Hinaplos ni Trisha ang likod ko habang naiyak na din, "h-hindi pa naman sila sigurado kung patay na nga ang mga sakay niyan. Buhay pa si Gab. Pag-asa lang."

"Hindi mo ba narinig, Trisha? Sumabog yung eroplano at nalaglag sa kalagitnaan ng dagat!! C'mon, let's face it! Wala na siya!"

Natahimik siya sa sinabi ko. Si Ella naman umiiyak narin. Siguro kasi nasasaktan din siyang nakikita kaming ganito.

Sobrang sakit, akala ko pa naman ang pag-alis niya na 'yon ay para sa ikamaspapabuti niya. Pero mali kami. Kung alam ko lang, sana pinigilan ko siya dahil mas gusto ko pang makasama ang wala sa sariling Gabriella kaysa wala nang makasamang Gab.

"Maybe, may reason naman si God kung bakit niya ginawa yun. Tingnan mo ko, kaya niya sakin kinuha si Lester par-"

"SHUT UP, ELLA! H'WAG MONG IKUMPARA ANG PAGKAMATAY NI LESTER KAY GABRIELLA. MAGKAIBA SILA!" hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko. Nadala lang ako ng mga emosyon ko. Pero bago ko pa mabawi ang mga nasabi ko tumakbo na siya paalis.

It's been a long day without you my friend
And I'll tell you all about it when I see you again
We've come a long way from where we began
Oh I'll tell you all about it when I see you again
When I see you again.

When I see you again, Gabriella.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon