Chapter 6 - Kneel

324 17 2
                                    

Gabriella Kayne Faulkerson's POV

"Well, maybe we got lost in translation, maybe I asked for too much, but maybe this thing was a masterpiece 'til you tore it all up~" 

Naglalakad ako papasok at feel na feel ko ang pagkanta ng All Too Well by Taylor Swift. Hays, anong ganda ng umaga kung uumpisahan mo sa kanta favorite mong singer. Hahaha, wala nakong pake kung mukha nakong baliw sa ginagawa kong pagkanta.

"Hey, you call me up again just to break me like a promise. So casually cruel in the name of being honest~" Bigla akong napatigil sa pagkanta at paglalakad.

May nakita kong lalaki sa may hallway mga ilang hakbang pa bago ko makalapit sa kanya. Mukhang problemado siya. Lasing nga ata, e. Hindi ko naman kayang daanan nalang siya at magpanggap na wala akong nakita.

Lumapit ako.

"K-Kuya?" Hinawakan ko siya sa balikat. Unti-unti siyang tumingin sakin. Naiyak siya. Bihira sa lalaki ang umiiyak kaya siguradong seryoso 'to, "A-Ano pong p-problema?"

Tumitig siya sakin. Naiba yung atmosphere kaya lumayo ako ng konti sa kanya. "L-Lorraine." 

Nakita kong may lumabas nanamang luha sa mga mata niya. Hinawakan niya ang kamay ko. Gusto kong kunin pabalik ang kamay ko pero parang may nagsasabi saking h'wag. Awang awa ako sa kanya.

Lumuhod siya sa harap ko. Hindi ko alam pero naiiyak ako. Parang ramdam ko yung sakit sa itsura niya palang.

Nilagay niya ang noo niya sa mga kamay ko, "Lorraine please, b-bumalik kana sakin."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi naman ako si Lorraine.

Naalala ko na may pasok pa nga pala ko. Nako. Mukhang matagal pa ang drama ni kuya. Anong gagawin ko?

Kinuha ko dahan-dahan ang kamay ko sa kanya pero may lakas dahil mahigpit ang pagkakahawak niya dito, "Kuya hindi po ko si Lorraine. Sensya na po kung hindi ko kayo madadamayan pero mala-late na po ako kaya aalis na po ako-" paalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang isa kong wrist ng mahigpit.

Nanlaki ang mga mata niya sakin. Ano ba 'tong napasok ko, "NO, YOU'LL STAY."

Hindi ko alam pero nang pagkakataong yun umakyat ang takot sa katawan ko. Naramdaman ko ang kaba.

Pinipilit kong hilahin pabalik ang kamay ko pero masyado siyang malakas.

"Kuya, ano ba? Hindi nga po ako si Lorraine!"

"Sorry Lorraine. Pero siguro, after ng gagawin ko sayo. Babalik ka rin sakin." Hinihila niya ko kung saan.

"Kuya, please. Bitawan niyo na po ako!"

Pagkatapos bigla nalang niya kong nabitawan saka siya natumba. Ang bilis ng mga pangyayari.

Nakita ko si Trevor. Sinuntok niya yung lalaking humihila sakin kanina.

"G*GO KA, AH! ANUNG GINAGAWA MO SA GIRLFRIEND KO!" Sabi niya saka sinipa pa yung lalaki.

Hinawakan ko siya sa braso, "Trevor, tama na!"

"KAPAG NAULIT PA 'TO, BAKA HINDI AKO MAKAPAGTIMPI AT MAPATAY KA!"

"Trevor, tara na." Hinila ko na siya. Kaya naglakad na kami palayo dun sa lalaki.

Nang makalayo na kami bigla niya kong niyakap ng mahigpit. "Gab, sobra mo kong tinakot."

Hinarap niya ko sa kanya.

"Ikaw naman kasi, h'wag kang nakikipag-usap kung kani-kanino. Pano kung wala ako dun? Baka kung ano nang masamang nangyari sa'yo. Hindi ko kakayanin."

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon