Chapter 54

19.1K 1K 176
                                    


Chapter 54

CYANWIRE

Entry #4

Love? Nabasa ko yung text mo na pinuntahan mo ako sa office. Sinabi rin ni Ms. Layla na hinahanap mo raw ako. Hehe. Sorry. Hindi rin alam ni Ms. Layla kung nasaan ako, e. Magrereply sana ako kahapon kaso nanghihina pa rin ako dahil sa chemo.

May wig pala ako. Ang fab ng ng wigs na binili ni Jett para sa akin, e. Kilala mo na ba si Jett? Hindi pa, no? Step brother ko nga pala yun. Dapat makilala mo yun. Magkakasundo siguro kayo. Ngayon ko lang nalaman na mahilig din siya sa baseball. Diba naglalaro ka ng baseball? Sayang, never kitang napanood maglaro nun. Siguro sobrang gwapo mo habang nakahawak ng baseball bat?

Habang nag i-scroll ako rito sa app mo, napansin ko na marami na palang users. Super successful mo na talaga. Kaya siguro hindi ka pa rin aware. Hindi mo nababasa sa dami ng users. Alam mo ba kung bakit hindi ko tinanggap yung alok mo ng kasal noon? Kasi nai-intimidate ako sa yaman mo hahaha. Gusto ko kasing patunayan yung sarili ko. Gusto kong kapag pinakasalan kita walang masabi yung ibang tao sa paligid natin. Alam mo naman na ma-pride ako, diba? Ang taas ng pride ko kaya kahit alam kong kasalanan ko ay hindi ako kaagad humihingi ng tawad sa'yo. Hindi rin ako nagpapalibre sa'yo. Kasi may pera ako. Kasi ayaw kong dumipende sa'yo. Hindi kami mayaman. May kaya pero hindi ganun kayaman. Natuto kasi akong dumipende sa sarili ko. Pero ngayon, pakiramdam ko nga nabaon na kami sa utang dahil sa pagpapagamot ko. Minsan talaga gusto ko na lang makatulog ng dirediretso para matapos na. Para hindi na ako makaabala sa kanila.

Alam mo ba? Ang dami ko rin pangarap para sa atin. Diba tatlong anak yung gusto mo? Gusto ko sana dalawa lang. Isang babae saka isang lalaki lang. Tapos yung pangalan nila ay June Louise Parco at April Eunice Parco para may kalendaryo tayo sa bahay haha. Syempre dapat magaling ka rin magtanim para abot sa due date. Haha

Tapos hindi ko pa nasasabi sa'yo, pero gusto kong magkaroon ng coffeeshop na may mini library sa loob. Para habang pinapalaki ko yung mga bata hindi na ako sobrang busy sa office. Kasi sa office ang toxic. Laging may deadline tapos nai-stress lang ako. Wala pa tayong quality time together. Sana pala sinulit ko yung panahon. Sana pala hindi na lang ako na-intimidate sa yaman mo. Sana pala inasikaso kita. Sana pala binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sayo. Sana pala hindi ako nagtipid. Sana pala pumayag ako kaagad na pakasalan ka. Alukin mo ako ngayon, yes agad ang sagot ko. haha

Sana maibalik ko yung nakaraan. Tapos susulitin ko na lahat ng pagkakataong meron ako. Sana maibalik ko yung noong college pa tayo. Yung sana hindi na kita pinakawalan. Sana kasi ako yung tipong hindi sumusuko. Sana pala hindi ko tinatakbuhan yung mga problema ko. Edi sana kahit may sakit ako hindi ako nagsisisi. Kasi kahit ikaw man lang, napasaya sana kita.

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now