Chapter 29

23.2K 1.1K 184
                                    


Chapter 29

"Bakit ngayon ka lang?" Nagtatampong tanong ni August sa akin nang dumating ako. Nandito ngayon ang mommy niya kaya hindi naman ako makasagot kaagad kay August.

"Hello po." Bati ko sa mommy nito. Hindi ko siya naabutan kahapon kaya nahihiya ako ngayon. Kahapon lang nga ay hiyang-hiya na ako sa mga pinsan niya paano pa kaya ngayon na mommy na niya ang kaharap ko?

"Ikaw yung girlfriend niya?" nakangiti nitong tanong sa akin. "Umupo ka."

"Ma... Hindi pa niya ako sinasagot."

"Ah, hindi pa ba?" Pakiramdam ko ay biglang uminit ang mukha ko dahil sa tanong ng mommy nito at ang sagot na rin ni August.

"Ex ko siya ma. Pero nililigawan ko ulit." Biglang sumama ang tingin ng mommy nito sa kanya.

"Siguro dahil inom ka nang inom kaya ka hiniwalayan? Ay sinasabi ko na nga ba! Dapat lang sa'yo 'yan. Hindi ka kasi nakikinig sa akin at nagging pasaway ka. Ginagaya mo kasi si Law."

"Ano na naman tita? Narinig ko na naman yung pangalan ko." Sabi naman ni Law na ngayon ay kakapasok lang.

"Bakit nandito ka? Wala ka bang buhay?" Asar na tanong naman ni August rito.

"Mukhang malakas ka na, ah. Alam ko kasing pupunta si Lovely kaya bumisita ako ulit." Pang-aasar naman nitong isa kaya napabuntong hininga na lang ako. "Good afternoon, tita."

"Mabuti at nandito kayo, aalis muna ako. May mga bibilhin lang ako pagkatapos ay babalik na ako kaagad. May mga prutas dyan, kainin niyo. Huwag kang mahiya hija, okay?"

"Opo. Salamat po." Pagkalabas ng mommy niya ay doon pa lang ako lumapit kay August. Si Law naman ay sa sofa dumiretso at nahiga. Mukhang hindi naman siya pumunta rito para bumisita. Para siyang pumunta rito para makitulog.

"Ang sabi ko huwag kang aalis." Bakas talaga sa boses niya ang pagtatampo kaya naman ako na ang humawak sa kamay nitong walang suero.

"Hindi pa kasi ako kumain kagabi saka nahihiya ako sa family mo. Biglang dami sila, e." I swiped his palm using my thumb. "Kailan ka raw madidischarge?"

"Baka bukas. Swerte ko raw kasi dahil hindi naman tinamaan yung organs ko."

"Dapat kasi binigay mo na lang yung phone mo, e." Naiinis pa rin ako na dahil lang sa cellphone kaya siya nasaksak. "Paano kung namatay ka? Nakakainis ka naman, e!"

"Buhay naman ako." Nakangiti pa niyang sagot kaya parang gusto ko tuloy siyang sakalin!

"Paano naman ako kung namatay ka? Alam mo nakakagigil ka rin, e! Saksakin kaya kita ulit?"

"Paano nga ba kung nawala ako? Anong gagawin mo?"

"Gago ka ba? Edi iiyak. Huwag mo ngang tanungin 'yan."

"Tapos?" Malumanay niyang tanong.

"Anong tapos?"

"Magsisisi ka bang hindi mo pa rin ako sinagot?" tinampal ko nang bahagya yung braso nito dahil sa inis.

"Alam mo ikaw nanghuhuli ka lang, e."

"Pero paano nga?" Hindi ako sumagot at hindi na rin naman siya nagsalita pagkatapos. Wala akong ibang naririnig kung hindi yung pagtipa lang ni Law sa cellphone nito. Ang tanging ginagawa ko lang ngayon ay haplusin ang kamay niya.

"August."

"Hmn?"

Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Dampi lang iyon pero dahil doon ay hindi nakakibo si August. Bakas sa mukha nito ang gulat pero nang nakabawi naman ay ngumiti na siya.

"isa pa nga."

"Ayoko nga."

"Kahit dito lang." Turo niya sa pisngi niya.

"Aish! Ang lalandi niyo. Umuwi ka na nga Lovely. Ako na magbabantay sa August na 'yan. Maglalandian na lang doon pa sa may nakakakita."

"Gago. Ikaw ang umuwi. Palibhasa wala kang silbi sa lipunan." Pabalang na sagot naman ni August sa pinsan niya.

"Pero uuwi na rin ako. May mga dapat pa kasi akong tapusin na report." Kahit na nakatayo na ako ay hindi pa rin binibitiwan ni August ang kamay ko. Parang wala siyang balak na bitiwan ito.

"August..."

"Love..."

"Huwag kang mag-alala. Hindi ka nananaginip. Wala na rin akong balak na pakawalan ka."

"Ah tanginang linyahan 'yan. Ang corny-corny niyo." Natawa na lang ako sa sinabi ni Law pero mas natawa ako sa banat ni August pagkatapos.

"Palibhasa wala kang lovelife. Yung nag-iisang babaeng sumeryoso sa'yo pinakawalan mo pa. Kung hindi ka naman din kasi isa't kalahating gago, e."


***

A/N:  Para makarelate sa isa't kalahating gago na si Law, basahin niyo yung short story na Moving Forward. :)

CUPID NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon