Chapter 33

20.6K 1K 31
                                    


Chapter 33

LovelyC Posted a new blog.

"Unknown: Hi ate! May kaibigan kasi ako. Anong gagawin ko? Nagtapat kasi siya sa akin. Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya bilang kaibigan at hanggang doon lang iyon. Alam ko rin na once na sinabi ko sa kanyang hanggang doon lang ay masisira na rin ang mayroon kami. Anong gagawin ko?"

F.R.I.E.N.D

Minsan kasi ay may pwedeng masira. May ibang pwedeng masaktan. Ikaw lang din kasi ang pwedeng makasagot niyan. Para sa akin, mas gugustuhin kong sabihin sa kanya yung totoo. Oo, maaaring masira ang naging samahan ninyo pero time heals. Kasi hindi rin naman pwedeng paasahin mo siya sa wala kung alam mong wala ka talagang nararamdaman sa kanya. Sa ayaw mo man at sa gusto ay may masasaktan at masisira talaga.

Applicable din ito sa iba. Kung alam niyong mahal niyo na ang kaibigan niyo at kung alam niyong may karelasyon na sila. Huwag nang ipilit. Kasi maaaring hindi lang kayo ang masira kung hindi pati na rin siya at ang karelasyon niya.

Maaaring mahirap na ibalik yung samahan pero kasi ganun talaga. Babalik din naman iyan in due time. Hindi nga lang kaagad kasi nga nasaktan. Kasi nga may nasirang dapat ayusin.

A real friend brings out the BEST in you. Kaya kahit pa matagal kayong hindi magkita o magkausap, siya ay kaibigan mo pa rin. Dahil hindi iyon magbabago. Hindi iyon makukuha ng kahit sino pa man. Kasi nga tunay mo siyang kaibigan at walang makakaagaw ng samahan na kayo yung nakabuo. Hindi naman kasi basta-basta pwedeng itapon na lang iyon. Kaya kahit ano pa man 'yan, kung tunay mo talaga siyang kaibigan, matatanggap niya ang magiging desisyon mo. Kung masaktan man kayo, space lang din naman ang kailangan. Kasi hindi naman lahat ng sugat ay naghihilom kaagad.

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now