Chapter 34

20.3K 1K 89
                                    

Chapter 34

August: O.T ka ba ulit ngayon?

Lovely: Yup. Iyak na ko. Pinapabago na naman kasi yung proposal, e. Iyak na kami ni Allison :<

August: Aww. Hayaan mong umiyak si Allison basta 'pag ikaw umiyak takbo na ko dyan >:)

"Mga bwisit talaga kayong dalawa, e." Sita ni Allison. Hindi ko napansin na kanina pa pala siya nagbabasa ng palitan namin ni August ng messages. "So kapag ako ay okay lang na umiyak? Pitikin ko noo ng boyfriend mo, e."

"Sira alam mo naman na nagbibiro lang yun."

"Tse! Hindi kami close ng boyfriend mo. Magtigil siya. Mas pabor pa rin ako kay Sir Henry." Natawa na lang ako ng i-flip pa niya yung buhok niya.

August: Sabihan mo lang ako kung anong oras ko kayo sunduin ng kaibigan mo. Kawawa naman kamo siya walang nagsusundo sa kanya.

Lovely: Sira! Binubully mo kasi siya lagi kaya naiinis siya sayo haha

August: Buti nga hinahatid ko rin haha

Lovely: Kaya love kita, e. :D

August: Sige tapusin mo na 'yan. Text mo ako mamaya.

Katulad ng sinabi niya ay inumpisahan na nga naming ulit ni Allison ang paggaw ang ipi-present namin sa isang client. Hindi kasi siya natuwa sa una kaya pinapabago niya pa ayon sa 'taste' daw niya. Yung unang ginawa naman namin ay ayon pa rin sa taste niya pero kulang pa rin daw. Wala raw siyang ma-feel. Kung pwede nga lang umirap habang sinasbai niya iyon ay ginawa ko na.

Ala una nang matapos kami ni Allison. Laking pasalamat ko talaga kay August dahil kahit ang late namin ngayon umuwi ay nag-insist talaga siyang sunduin kami.

Nang makita ko pa lang siya na naghihintay sa amin ay kaagad ko siyang niyakap. Stressed na kasi ako kaya makita ko pa lang siya ngayon natutuwa na ako.

"Tse! Magbi-break din kayo." Bitter na sabi ni Allison bago siya pumasok sa loob ng sasakyan ni August.

"Baliw talaga 'yang kaibigan mo." Sabi ni August saka niya hinalikan ang noo ko. "Kumain naman ba kayo?" Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Oo." Sagot ko bago pumasok sa sasakyan. Hinintay ko siyang makasakay rin dahil may magpapaalam pa ako sa kanya sa pupuntahan ko makalawa.

"August,"

"Hmm?" In-start na nito ang engine pagkatapos ay nag-umpisa na nga itong magdrive.

"Kasi birthday ng kapatid ko." Kumunot ang noo ni August. Never ko pa kasi nabanggit sa kanya ang tungkol sa kapatid ko. "Step brother ko."

"Nangangamoy hindi alam." Ani Allison kaya hinarap ko siya para tignan ng masama.

"Oo hindi ko pa alam. Pero at least alam ko na ngayon." Sabi ni August na ngayon ay nakangiti na.

"Never kong nabanggit kasi hindi natin gaano napag-uusapan yung family ko. Pero birthday niya kasi sa susunod na sabado. Kaso ang sabi mo naka-book na kayo ng ticket for Japan?" Ngumuso ako. Late ko na kasi nalaman na maghahanda sila mama sa bahay. "Ipapakilala sana kita sa parents ko."

"Sabado naman yung dating namin. Sunod ako." Sabi nito.

"Totoo? Hindi ka ba pagod non?"

"Eh, ipapakilala mo ako sa parents mo. Bakit ako magpapagod?"

"baliw."

"baliw daw. Kinilig naman,." Side comment na naman ni Allison na dahilan ng kung ba't natawa si August. "Ako, hindi ba ako invited? Crush ko pa namna yung kapatid mong yun."

"try ko muna ipaalam sa kanila kung pwede ako magsama ng maraming kaibigan. Sama rin daw yata kasi sila Monica at Kristin."

"Ganyan ka naman. Kapag sila, okay lang. Kapag ako, hindi." Pagmamaktol niya pero alam kong biro niya lang yun.

"So, hintayin kita nun ah."

"I'll be there. Hindi ko lang sure kung anong oras but i'll be there, love."

"Love, love pa." Rinig kong sabi ni Allison. "Eeeh! Nakakadiri kayong dalawa! Huwag nga kayong maglambingan. Matutulog ako."

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now