Chapter 32

22.7K 1.1K 108
                                    


Chapter 32

Nagising ako dahil sa bigat ng bisig na nakayakap sa akin. Dahan-dahan akong humarap kay August na ngayon ay payapa pa rin na natutulog. Pinagmasdan ko siya at hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa kanya. Kahit na may bagong tumubo na pimple sa bandang noo niya ay gwapo pa rin siya.

"Bakit ka nakangiti?" Iyon kaagad ang tanong nito nang imulat niya ang kanyang mga mata. Ilang beses niya pa iyong ginusot bago niya ako hinigit palapit sa kanya para yakapin nang mas mahigpit.

"May pimple ka kasi." Kako naman. "Tapos ngayon lang kita nakitang gumising ng umaga." Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at inayos ko ang bed hair nito. Muli siyang pumikit saka kinuha ang kamay ko para hawakan.

"Maaga pa. Tulog pa tayo."

"I can't. May work ako mamaya." Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin saka bumangon na nga. Masyado na kasi siyang nagtagal kagabi sa apartment kaya naman ditto na siya natulog. Hindi sana ako papayag kaso antok na antok na siya at kelangan niya pang magdrive. Hindi naman kasi niya sinabi na hindi nap ala talab ang kape ngayon sa kanya.

Iniwan ko siyang nakahiga sa kama nang mag-umpisa na akong gumayak. Pagkatapos kong maligo at makabihis ay nakakaamoy na ako ng pagkain. Wala na rin sa silid ko si August kaya alam ko na kaagad na siya yung nagluluto.

"Naks naman." Pumunta ako sa likuran nito para tignan yung piniprito niya.

"Doon ka, bak amatalsikan ka." Taboy niya sa akin kaya natawa na lang ako.

"Paano ako matatalsikan? E, over easy lang naman yang ginagawa mo."

"Over hard na kamo." Sinilip ko yung egg kaya natawa na lang ako. Hindi na malambot yung yolk niya. Nakaready na rin yung bacon. "Wala kang gulay sa ref mo." Mahina niyang sabi. "Hanggang ngayon ay hindi pa rin masustansya ang mga kinakain mo."

"Bibili na lang ako ng luto na." Sagot ko naman bago ako lumayo. Kinuha ko yung suklay ko na nasa sofa at nag-umpisa nang mag-ayos. Humarap din ako sa salamin at nag-umpisang maglagay ng makeup.

"Ganito ba buhay natin kapag kasal na tayo?" Agad akong napangiti nang dahil sa tanong nito. Humarap ako sa kanya at mukhang seryoso naman siya sa tanong niya. "Ayaw ko naman maging house husband." Sabi nito bago siya tumawa. "Saka may trabaho na rin naman ako. Mag-uumpisa ako sa lunes. Syempre hindi naman pwede na tambay ako, diba?" Inaayos na nito yung mga plato at kubyertos nang sabihin niya yon pagkatapos ay binalikan niya ulit yung bacon na nakasalang pa rin. "Love? 'Di ka nagsasalita."

"Natutuwa lang ako." Sagot ko sa kanya. "Syempre we'll take turns. Minsan ako yung magluluto, minsan ikaw. Para quits tayo."

"Edi payag kang magpakasal tayo?" Nakangisi nitong tanong sa akin.

"Ayaw mo ba?" Tanong ko sa kanya kaya mas lalong lumaki yung ngisi nito. "Sige ngumisi ka lang dyan." Inis kong sambit saka ako nag-apply ng eyeliner.

"Syempre gusto ko. Kain ka kaya muna bago ka magmakeup?"

"Oo na po." Tumayo na ako para saluhan siya sa hapag. Nagkukulitan lang kami hanggang sa natapos na nga kaming kumain. Nang magpresintasyang maghugas ay hindi na ako pumayag. Syempre dapat ako na saka isa pa ay bisita ko siya rito.

"Mag-ayos ka na lang para sabay na rin tayo makaalis." Utos ko sa kanya kaya pumayag na rin naman siya.

Pagkatapos niyon ay hinatid na niya ako sa office ko bago siya umuwi.

August: Hindi kita masusundo mamaya :'(

Lovely: Okay lang, love.

August: You called me love. Kilig ako hahaha

Lovely: Gags hahaha!

August: Mood killer haha. I love you.

Lovely: :p

August: Maging showy ka naman love haha. I love you pa rin kahit hindi ka showy

Lovely: Tse! Ginugulo mo ako haha.

"Ngiting-ngiti tayo, ah." Sita ni Allison sa akin.

"Palibhasa wala kang lovelife." Sagot ko sa kanya.

"Sobra ka naman! Kapag ako nagkaboyfriend. Who you ka na sa akin. Hindi mo na nga ako pinapansin kapag pauwi na, e. Hindi na tayo nakakapagfoodtrip."

"Pwede ako mamaya. Kain tayong ramen." Suhol ko sa kanya. Favorite kasi niya iyon.

"Talaga? Promise 'yan, ah!"

"Oo promise."

August: Ay love. Na-move pala yung gagawin ko. Sunduin kita mamaya.

Napakamot tuloy ako ng ulo ko dahil sa sinabi ni August.

Lovely: Quality time ko muna mamaya kasama yung friend ko. Sundo mo na lang ako after namin mag-date ni Allison.

August: sama ako L

Lovely: lol. Huwag ka clingy. Baka mailing yun. Sundo mo na lang ako after namin para maipakilala rin kita. Sige na please? I love you :*

August: Daya mo alam mo yung weakness ko... sige na nga. I love you, too.

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now