Chapter 7

30K 1.6K 447
                                    

CHAPTER 7

"Denden hindi sinabi sa akin kung sino, e."

"Okay lang." Sagot ko habang nagtatype ako sa computer ko. Iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi. Muntik na kaming nagkita ng ka-text ko at ang pinaka-weirdo pa ay ang biglang pagsulpot ng mga kaibigan ni August. Hindi naman dadaan ang sasakyan nila doon sa taxi lane.

"Ang lalim ng iniisip mo, ah." Nginitian ko lang siya saka muling inisip ang mga kaganapan kagabi.

Napaka-imposible talaga. Medyo awkward din si Cathy kagabi dahil parang inexpect niya talagang nandoon ako.

"Allison..."

"Hmm?"

"Tingin mo pinaglalaruan nila ako?"

"Nino?" Inikot niya ang computer chair niya para iharap sa akin.

"Ng ex ko pati na rin ang mga kaibigan niya."

"Ah! Yung nakwento mo kanina?"

"Oo, parang fishy na kasi." Kinuha ko ang ballpen ko at nag-umpisang isulat ang importanteng detalye sa kinakalap kong impormasyon para susunod naming presentation.

"Nagtext ba ulit?"

"Oo, good morning lang kaya hindi na ako nagreply."

"Dapat nagreply ka. Huliin mo kasi."

"Tapos anong gagawin ko kung tama ako?"

"Sampalin mo na siya. Mukhang hindi ka pa nakakamove on, e."

"Nakamove on na ako." Iritable kong sagot.

"Talaga ba?" Halata sa tono ng pananalita ngayon ni Allison na inaasar na niya ako at heto naman ako naaasar dahil sa kanya. "Pero kung talagang ayaw mo na ng kahit anong connection sa kanya, okay lang na itigil mo na yang pakikipagtext sa kanya."

Tinignan ko ang cellphone kong nakapatong sa desk dahil sa pagvibrate nito. Siya na naman ang nagtext.

"Akin na nga." Hindi ako kaagad nakareact nang kuhanin iyon ni Allison. "Replyan ko na, ah?"

"H-hah?"

Mabilis itong nagtype bago niya ibinalik sa akin ang phone ko.

"Kung hindi mo kayang replyan at kung hindi mo kayang tanungin, ayan na. Ako na ang nagtanong para sa'yo."

"Allison!" Binasa ko ang nireply nito sa taong katext ko.

Girlfriend: Did you see me last night? Ikaw ba yung ex ko? Man up! I don't like jokes...

"Bakit mo nireply 'yon?"

"Para matapos na ang pag-iisip mo. Kapag nagreply siya, edi ayos. Kung hindi, edi duwag talaga 'yan."

"Allison."

"Kung siya man talaga yung ex mo at kung gusto ka niyang makita, magpapakita 'yan. Hindi 'yan magtatago."

Tila bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman kong nagvibrate muli ang cellphone. At mas lalo pa iyong bumilis nang mabasa ko na ang laman nito.

Boyfriend: I did. I know you'd reject my help that's why I sent Cathy and Gilbert instead. Sorry for being a coward...

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now