Chapter 9

30.1K 1.3K 175
                                    


CHAPTER 9

"Gaga ka talaga! Konting pakipot naman," Naiinis na sabi sa akin ni Kristin. "Look, iisipin niyang ang easy mo for the second time around."

"Catch up lang naman." Napansin ko ang pag-irap ni Monica sa akin nang sabihin ko iyon. Mas galit talaga ang mga kaibigan kaysa sa mismong naging girlfriend.

"Yung stuffed toy? Tinapon mo na?" Umiling ako bilang tugon at napailing naman si Kristin dahil doon. "Sabi na, e. Hindi ka talaga makakamove on."

"Hindi naman niya sinabing makikipagbalikan siya."

"So? Kung sinabi niyang makikipagbalikan siya, papayag ka?" Umiling ako. "Good kasi kung pumayag ka tatadyakan ko talaga ang ribs mo." Napahawak ako bigla sa ribs ko dahil sa pagbabanta ni Kristin. Iniisip ko pa lang ay masakit na, paano pa kaya 'pag totoong tinadyakan na niya ako?

"Ano ka ba, kung nagbago naman yung si August, okay lang." Gulat akong tumingin kay Monica. Neutral lang yung pinapakita niyang expression ngayon pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit iyon ang sinabi niya. Clear naman na hindi ako makikipagbalikan. Walang ganung mangyayari. Catch up lang.

Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag nagkita na kami ay kami na ulit. No.

"Pero dapat pahirapan mo muna." Dugtong pa ni Monica. "May karapatan pa rin naman siguro siyang mag-explain. Nasa inyo na lang naman iyon kung tutuldukan niyo na o itutuloy niyo pa."

"Pa-deep ka masyado, alam mo 'yun?" Nakangusong sabi ni Kristin bago ininom ang kape niya.

"Well duh! Mabilis ang mga pangyayari between them noon. Dapat alalayan natin si Lovely. Saka isa pa medyo gusto ko rin marinig vyung side ni August." Aniya pa.

Nilabas ko yung cellphone ko at binasa yung mga palitan namin ng mensahe ni August noong hindi ko pa alam na siya iyon. Pero ang pagkakatanda ko ay nasabi niya doon ang rason. Someone drugged him...

Ipinakita ko iyon sa dalawa kong kaibigan. Binasa nilang lahat yung conversation namin hanggang sa latest.

"Girl! Desperada yung babae!"

"Truly! Pero maharot ka rin! Sure kaagad? Hindi pwedeng sabihing busy ka? Para gumawa naman siya ng dahilan para Makita ka! Bawiin mo 'yan!"

"Hayaan mo na" Sabi naman ni Monica. "Hindi naman sila magbabalikan kaagad dahil lang magkikita sila."

"Konsintidor ka kasi, e."

"Para naming hindi ka nagging konsintidor noon!" Humarap sa akin si Monica "Hayaan mo si Kristin. Huwag kang making sa kanya. Gawin mo lang yung gusto mo."

Ang totoo niyan ay ilang araw na rin kaming hindi nakakapagpalitan ng text ni August. Hindi naman sa umaasa ako. Awkward lang kasi talaga. Nagtext pa siya once, bumati lang pero dahil siguro hindi ko nireplyan ay hindi na niya inulit pa.

Kinabukasan ay doon pa lang ulit nagtext sa akin si August.

August: Tuloy pa rin tayo, diba? Good morning btw.

Naghilamos na muna ako at kumain bago ako nagreply sa kanya. Para hindi naman ako magmukhang excited na replyan ang bawat text niya.

Lovely: Yup.

August: Great! Kakatapos lang kasi ng finals. Kailan ka pwede?

Tumingin ako sa kalendaryong nakapatong sa desk ko. May mukha pa iyon ng kpop idol na gustong-gusto ko.

Lovely: Actually, mamaya lang ako pwede.

Hindi na rin kasi ako pwede bukas dahil may event pa kaming inaasikaso. 15th anniversay na kasi ng kumpanya sa darating na sabado. May mga kelangan pa kami gawing presentations para ma-approve yung mga promo na ilalabas ng kumpanya.

August: I'll see you later. Text mo na lang yung workplace mo, i'll pick you up :)

Lovely: No need, text mo na lang kung saan magkikita.

August: I insist. Kahit ito lang, pagbigyan mo na ako.

Huminga ako nang malalim bago ko siya nireplyan. Sa totoo lang hindi ko pa rin alam kung paano ako aakto ngayon sa kanya. We shouldn't bring up the past. Wala na dapat magtatanong niyon sa amin. Siguro mas okay na talagang ganito lang. Yung kilalanin muna namin ang isa't isa.

August: See you later, Lovely.

Lovely: See you later, August.

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now