Chapter 28

21K 1.1K 81
                                    


Chapter 28

Lovely: Nalimutan ko talaga na susunduin mo ako. Huwag ka na magalit please? Kaya lang naman ako sumama kay Sir kasi I rejected him properly. Goodnight. Text me, okay?

Iyon ang huling message ko kay August kagabi. Kaya nga buong araw kong tinititigan ang cellphone ko dahil hinihintay ko ang reply sa akin ni August. Pero alas sinco na ay wala pa rin. Lumapit tuloy ako kay Allison para magtanong. Nagbabakasakaling may alam ang kaibigan nito.

"Allison, pwedeng itanong mo sa kaibigan mo kung alam niya kung nasaan si August? Hindi ko kasi siya macontact kagabi pa."

"Nagkabalikan na ba kayo?" Nakasimangot nitong tanong sa akin. "Baka niloloko ka na nun kaagad. Nakakainis naman. Teka, tanungin ko. Tawagan ko na lang para mabilis."

"Sige please. Thank you."

Mabilis naman nitong tinawagan ang kaibigan niya at mukhang sumagot naman ito kaagad sa tawag.

"Hi, hindi ako tumawag para mangamusta. Tumawag ako para alamin kung nasaan yung kaibigan mong si August." Ilang beses na umirap si Allison dahil sa kausap pero sumeryoso siya kaagad at tinignan niya ako. "Totoo? Saang ospital?" Doon ay nag-alala na ako kaagad. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa narinig ko.

"Anong nangyari? Bakit daw siya nasa ospital?" gusto ko sanang agawin yung cellphone ni Allison ngayon pero pinipigilan ko ang sarili ko.

"Hindi rin daw niya alam pero i-text daw niya kaagad yung ospital." Muli itong bumalik sa kausap niya matapos niya iyong sabihin sa akin. "Text mo kaagad, ah. Konyatan kita kapag 'di mo tinext agad. Text mo na rin kung anong sakit. Salamat."

Bumalik ako sa pwesto ko pero mabilis din akong bumalik sa tabi ni Allison. Hindi matanggal yung pag-aalala ko ngayon kay August. Paano kung may nangyari sa kanyang masama? Paano kung may malala pala siyang sakit kaya hindi niya sinasabi sa akin? O

"Denden alam kong umaandar yung imahinasyon mo ngayon. Tigilan mo. Baka naman may ulcer lang o kaya nadapa ganun."

"Allison naman, e."

"Huwag ka kasing masyadong mag-alala. Tulog lang yun kaya hindi ka niya mareplyan. O, ito na yung ospital. Abad Hospital. Room 408. Hindi naman binanggit kung napaano."

"Okay lang. Salamat, hah?" Mabilis kong inayos yung mga gamit ko pagkatapos ay nagtawag na ko kaagad ng taxi sa labas ng company. Hindi na nga ako nakapagpaalam nang maayos kay Allison dahil sa pagmamadali. Hindi ko rin malaman kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Nag-aalala kasi ako sobra at hindi ako mapakali na hindi siya nagrereply.

Kinakabahan ako habang naglalakad patungo sa kwarto kung saan nandoon si August. Natatakot ako sa pwede kong malaman doon.

"Lovely?" Tumigil ako sa paglalakad nabg makita ko ang tumawag sa akin. Pinsan ni August. "tama, si Lovely ka nga." Kung sa resort noon ay nginingitian niya ako at kinukulit, ngayon naman ay seryoso siyang nakaharap sa akin.

"Law? Tama ba?" Tanong ko rito saka ito tumango. "A-anong nangyari kay August?"

Isinuksok nito sa bulsa niya ang mga kamay niya.

"Alam mo bang dahil sa'yo kaya naospital 'yan?"

"What? May ginawa ba siya sa sarili niya?"

"Hindi! Katangahan lang din niya. Buti nga nakasurvive yung gagong yun. Ikaw ba naman makipag-agawan ng cellphone sa holdaper? Shunga rin, e."

"Holdap?"

"Oo. Dalawang saksak din 'yun. May bibilhin yata siya pero pagbaba niya ng sasakyan ayun na. Naitakbo nga pati sasakyan niya, e. Carnap na pala hindi lang holdap. Ipinaglaban niya pa yung cellphone niya tapos hindi rin naman niya nakuha. Nasaksak pa." Umiiling-iling itong nagkukwento sa akin samantalang atat na atat na akong tumakbo papunta sa kwarto ni August.

"Okay na ba siya?"

"Okay naman siya pero tulog pa yun ngayon. Kanina gising siya pero panandalian lang. Nandito na tayo. Pasok ka na."

Katulad ng sinabi ni Law ay tulog nga si August. Mukha siyang maputla ngayon pero nagpapasalamat akong okay lang siya.

Hinaplos ko ang buhok nito at hinawakan ang kamay niya.

"Magpagaling ka, hah? Bakit ka ba kasi nakipag-agawan ng cellphone? Bakit hindi mo na lang kasi binigay?"

"Nagtext ka, e." Mahina itong nagsalita. Unti-unti nitong iminulat ang mga mata niya bago ito ngumiti.

"Baliw ka! Akala ko galit nag alit ka sa akin kaya hindi ka nagrereply tapos malalaman ko nasa ospital ka! Hindi ko alam yung mararamdaman ko kanina tapos---"

"Tahan na. Huwag kang umiyak." Iginalaw nito ang kamay niya na dahilan naman ng pagkirot ng natahi sa kanya.

"Galaw ka pa nang galaw. Huwag ka ngang gumalaw." Inis kong sabi rito saka ko pinunasan yung luhang dumaloy sa pisngi ko. "Nakakainis ka talaga kahit kalian."

Nakangiti pa rin siya ngayon pero unti-unti ay pumipikit na naman ang mga mata niya.

"Inaantok ako, love." Saad nito. "Paggising ko, dapat nandito ka pa rin..." Pagkatapos niyang sabihin sa akin niyon ay nakatulog na siya ulit. Ilang oras pa akong nag-stay doon pero umalis na ako nang mag-umpisang nagsidatingan ang mga pinsan niya.

CUPID NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon