Chapter 1

91.2K 2K 291
                                    


CHAPTER 1

"Dennise naman, e. Sige na please! Pumayag ka na kasi." Tinignan ko si Allison. Hindi talaga ako makapaniwala sa pinapagawa niya sa akin. Naririnig niya ba ang sarili niya?

"You want me to be in a relationship with someone that I've never met before and you're expecting me to agree? Unbelievable."

"It's just a game, Denden." Umupo ito sa tabi ko at pinilit na iharap sakanya yung computer chair ko. "Sige na please. Gwapo naman daw si guy and mabait saka isa pa hindi mo naman need makipagkita sa kanya."

"Ayoko, Allison."

"Please please, lagi ka na lang work. Hindi ka naman nag e-entertain ng manliligaw mo. Hindi mo ba namimiss ang magkaroon ng boyfriend?"

"No."

"Hindi? Hindi mo miss yung may bumabati sa'yo?"

"And then manlalamig after ng dalawang buwan? Huwag na."

"Wow hugot! Pero try mo lang. Madali lang naman yung rule ng game. You just need to pretend that he's your boyfriend. Hindi niyo kailangan sabihin ang mga totoo niyong pangalan at kung saan kayo nakatira. Safe siya swear! Pumayag na yung guy, e."

Pinaningkitan ko lang si Allison bago muling bumalik sa trabaho ko. Ang dami ko pang need para sa presentation namin sa meeting with a client bukas.

"Ewan ko sa'yo Allison." Kako na lang saka chineck yung mga nakalagay sa presentation.

"Ewan ko sa'yo means yes." Aniya kaya mabilis akong humarap sa kanya. Pagtingin ko rito ay nagtatype na siya sa cellphone niya.

"Allison." may pagtutol sa boses ko pero mukhang wala nang makakapigil sa kanya.

"Wala na. Nabigay ko na yung number mo. Enjoy Denden."

"Sasakalin talaga kita Allison kapag napahamak ako!"

"Wow scary naman si ate girl! Oo na! Safe naman daw 'yang taong 'yan saka cute."

"Naks! May boyfriend na yung pinakaseryoso sa trabaho!" Inirapan ko lang yung katabi ko. Hindi naman siya kasali sa usapan pero nakikisawasaw. Annoying.


****


Sabi ko naman sa inyo maiikli ako gumawa ng chaps para dito, e. LOL

CUPID NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon