Chapter 26

21.3K 954 90
                                    


Chapter 26

Maaga akong umalis sa hotel para bumalik sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Mas nauna akong umalis kaysa sa iba pang bloggers. May pumalit naman sa akin from the company para makipagnegotiate pa sa mga natira sa Beach Side hotel.

Paakyat ako sa 6th floor nang makasabay ko si Sir Henry sa elevator. Awkward dahil dalawa lang kami ngayon dito.

"Ang tagal nating hindi nagkita." Anya.

"Oo nga po." Ilang kong sagot sa kanya. Pero ang ikinagulat ko ay nang bigla niya akong bigyan ng makakapal na folders.

"I need those files later. Kindly research the things I highlighted." Sa kapal nun ay parang nanlaki ang mga mata ko. Kailangan ko pa isa-isahin ang pages na nandoon para lang sa mga na-highlight.

"Pero may report pa akong gagawin." Seryoso niya akong tinignan dahil siguro sa pagrereklamo ko. "I mean, I can do it but I can't finish it. If you wan't I'll give it to you tomorrow. May tatapusin din kasi akong trabaho and---"

"I need them tonight." Napairap na lang ako dahil sa pagiging immature niya.

"Okay, sir. Expect it at 9." Saad ko at pagkaopen pa lang ng elevator ay lumabas na ako kaagad. Kung ito ang way niya para makapagmove on sa isang rejection edi sige lang.

***

Hindi na ako nakapaglunch at hindi ko na rin namalayan ang oras. Gabi na pero hindi ko pa rin tapos ang pinapagaw ani Sir Henry sa akin. Marami pala iyon. Nag-offer na nga rin ng tulong si Allison pero mas nauna na itong umuwi dahil may emergency sa bahay nila."

8 o'clock nang gabi nang i-check ko na ang cellphone ko. May missed calls doon si August at mga text. Sinasaad lang naman sa text nito na susunduin niya ako.

Lovely Dennise Calarion: Office pa ko.

August Lenard Parco: Galing ako sa office niyo kanina. Hinintay kita kaso wala ka akala ko nakauwi ka na. Sunduin kita.

Lovely Dennise Calarion: Hindi na. Baka matagalan pa ako, e.

August Lenard Parco: I insist. Sinong kasama mo dyan?

Lovely Dennise Calarion: wala na, e. :(

August Lenard Parco: Aww kawawa naman ang love ko. Kumain ka na?

Lovely Dennise Calarion: Love mo mukha mo. Hindi pa nga :<

Minasahe ko yung pisngi ko para pigilan ang sarili ko sa pagngiti. Sa totoo lang ay hindi naman ako matatakutin kaya kahit mag-isa ako ngayon sa office ay okay lang. Isa pa, ngayon ko lang na-appreciate ang pagiging tahimik ng office.

August Lenard Parco: OTW.

Pagkatext niya niyon ay bumalik na ulit ako sa pagsearch. Anong oras ko na rin kasi ito naumpisahan dahil sa tinapos kong report. Isang oras na lang dapat ay maibigay ko na rin it okay Sir Henry. Nastress ako bigla kay sir Henry.

"Are you done, Denden?" Tumingin ako sa kadarating lang na si Sir Henry. Iba talaga ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Siguro marahil ay nabasa niya na yung napost ko sa blog ko na tungkol sa kanya.

"Not yet pero malapit-lapit na." Hindi nakatinging sagot ko sa kanya.

"It's okay. Pwede ka nang umuwi. Ihahatid na kita."

"Hindi na." Sagot ko rito. "Tapusin ko na to habang wala pa yung susundo."

"Susundo?" bakas sa boses nito ang pagkasarkastiko.

"Sir Henry, please let's be professional here. Kung may susundo man sa akin o wala that none of you business na. Ngayon, tinatapos ko tong trabaho ko dahil sabi mo nga ay kailangan mo. You're still my boss kaya susunod ako." Kung hindi ko lang talaga kailangan ang trabaho na itongayon ay baka nag-resign na ako. Sobrang awkward na sa akin ang mga ganap sa office. Masyado na akong natsi-tsismis at yung pakikitungo na sa akin ni Sir Henry ay iba na.

"Okay, I'm sorry." He apologized. Hindi ko mabasa kung sincere ba siya o hindi. "Alam ko ang immature ng ginawa ko para lang late kang umuwi ngayon. I don't need those." I blinked before looking at him. "You're still in love with your ex." Hindi ako sumagot. "I knew it."

"Just date me once, Denden. That's all I ask. A dinner is fine with me."

"And then?" Tanong ko rito. "Anong kapalit ng dinner?"

"I'll stop courting you."

"Okay..." Hindi ko alam kung saan kami kakain pero kahit ganoon ay sumama na lang din ako kay Sir Henry. Gusto ko lang din na maayos na kaming dalawa. Gusto kong linawin sa kanya ang kung anong meron kaming dalawa para kapag pumasok ulit ako sa isang relasyon ay wala nang maging misunderstanding dahil para sa akin, Sir Henry is just a friend. Nothing more.


***


Okay hindi ko alam ang tinatype ko. Walang sense hahahahahha

CUPID NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon