Chapter 20

25.1K 1.3K 288
                                    


CHAPTER 20

Nakatingin ako sa lalaking pumunta ngayon dito sa office namin. Hindi si Sir Mariano mismo ang nagpunta rito kung hindi yung brother-in-law raw niya. Iyon kasi ang sabi ni boss sa akin kanina bago dumating si Sir Lavi.

Kanina ko pa siya tinititigan dahil may kahawig ito. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.

"As I was saying," Tumingin ito sa akin. "Hindi naman namin kailangan ng katulad sa proposal niyo." Nananatili lang akong tahimik dahil si boss na ang kinakausap niya. Tatlo lang kami ngayon sa loob ng office ni boss kaya hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o hayaan ko lang silang mag-usap. Parang saling pusa naman kasi ako.

"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw yung sikat na blogger?" Ilang beses akong napakurap nang dahil sa sinabi ni Sir Lavi. "Kilala kita dahil sa pamangkin kong teenager."

"Sir, baka pwede pa nating pag-usapan. Pwede pa naman namin baguhin ang proposal." Ani boss pero mukhang hindi na ito pinapansin ni Sir Lavi.

"Yung katulad mo yung kailangan namin. Perfect iyon para sa publicity ng resort."

"Po?" Ngumiti lang ito nang dahil sa response ko sa kanya.

"Ang gagawin mo lang ay mag-blog. Iimbitahan ka namin ng ilang araw doon kasama ang mga kaibigan mo. You're a blogger, bakit hindi mo gamitin 'yon?"

"Pero matagal na po akong huminto sa pag-blog ng restaurants and resorts kaya hindi ko po alam kung mami-meet ko po yung expectations niyo."

"I checked your blogs. Hindi lang yung iyo pati na rin yung iba." Hindi natapos ni Sir Lavi ang sasabihin niya dahil muling nagsalita na naman si boss.

"Then we'll make another proposal for that idea."

"Okay." Mabilis na sagot naman ni Sir bago sila nagkamayan. Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil mukhang nagkaroon na sila ng deal at mukhang nakuha na nga namin ang Nature's Resort.

***

"Tulala ka yata?" Tinignan ko si August bago tinignan yung mga pagkain sa table. Ang daming pagkain pero mukhang hindi kayang pumasok sa sikmura ko. "May problema?"

"Alam mo naman yung nature's resort, diba?" Tumango siya saka niya nilagyan ng pagkain ang sarili kong plato. "Kasi hindi yung si Sir Mariano yung kumausap sa akin kanina."

"Talaga?" Kinuha nito ang kanin saka muling nilagyan yung plato ko.

"Tama na madami na 'yan." Saad ko. "Brother-in-law raw ni Sir Mariano 'yun sabi ni boss."

"Ah, oo. Kain ka na." Aniya

"Bakit ka nandoon noon?"

"Ah, sa tito ko kasi yon tapos nagpapatulong yung kaibigan ko." Nag-umpisa na itong kumain habag ako ay pinaprocess ko pa rin yung sinabi niya.

"Tito? Nagpapatulong?" Tumango ito saka nilagyan ng tubig ang baso niya pati na rin ang baso ko.

"Kain na." Nakangiti pa rin nitong sabi sa akin.

"T-tito mo si?"

"Lance Mariano. Baka si dad yung nakausap mo kanina."

"Dad?" Tumango ulit siya.

"Kaya nagulat ako nung nahulog mo yung proposal mo, hindi ko alam na isa pala kayo sa pinagpipilian nilang mag-promote ng opening nila." Ibinaba ko yung spoon and fork na hawak ko saka ko ako seryosong tumingin dito.

"Sinabi mo bang kakilala mo ako or something?"

"No." Kumunot ang noo niya saka tumigil sa pagkain. "Yung tinutulungan ko ay yung team ng kaibigan ko na pinagpipilian din. Sad to say, hindi sila pinili. Kaya kung nakuha niyo man sila, kayo ang nagtrabaho nun."

Dahil sa nalaman ko ngayon ay mas lalo yata akong hindi makakakain. Hindi ko akalain na ang pamilya nila August ay ganun kayaman. Ang alam ko lang ay well-off sila pero hindi ganito... Tapos dinala-dala ko siya sa karinderya! Paano pag hindi pala kaya ng sikmura niya?

"Kapag kumakain tayo at dinadala kita sa turo-turo, hindi ka naman nagkakasakit?" Tanong ko sa kanya kaya parang bigla itong nagulat.

"Hindi naman. Masarap nga, e. Matagal nga akong hindi nakakain sa ganito." Tinignan ko yung kabuuan ng kinakainan namin ngayon. Tanging electric fan lang yung nagpapalamig talaga sa lugar. Tapos katabi lang nito ay kalsada. "Ito yung sobrang na-miss ko, yung kakain tayo sa kahit saan." Nginitian pa niya ako bago nito ipinagpatuloy ang sinasabi. "Pero ikaw talaga yung sobrang na-miss ko..."

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now