Chapter 48

18.9K 980 180
                                    


Chapter 48

Sumasakit na yung ulo ko dahil hindi ako masyadong nakatulog. Pakiramdam ko ay makakatulog ako anytime pero hindi ko naman magawa dahil kaharap ko si Ms. Layla.

"As I was saying, since you are a blogger, you'll become one of their ambassadors." Muli kong tinignan yung app na dinownload ko ngayon lang. Ginawa yun for blogs and para mas makapag-interact sa mga followers. May features din ito na wala sa iba.

"Pero ma'am, hindi na kasi ako active. And I can't even start writing. Very seldom na lang talaga. May iba akong kilala na pwedeng maging ambassador."

"May bayad ka naman sa pagiging brand ambassador. Bakit ayaw mo?"

"Uhmm,"

"Come on, tell me." I sighed na ikinabigla naman ni Ms. Layla. Never akong nagreklamo sa mga pinapagawa niya kasi marami naman akong natututunan under her.

"Nawawalan na po kasi ako ng time sa boyfriend ko." Hindi ko inaasahan ang biglang pagatawa ni Ms. Layla dahil sa sinabi ko. Seryoso ako sa sagot ko pero tumawa lang ito. "Totoo po yung sinasabi ko."

"Hindi ko naman sinabing nagsisinungaling ka. Pero saying naman 'to. Wala ka naman ibang gagawin kung hind ii-promote lang yung application nila."

"Hindi nap o kasi ako nakakapagsulat. Hindi na rin po ako nakakapag-review ng mga restaurant and resorts."

"Sayang naman. But it's okay. Magcontact ka na lang ng iba kung ayaw mo talaga. I-contact mo na rin yung iba brand kung gusto nila magpost ng advertisement sa application na ito."

"Okay po."

Ginawa ko lahat ng sinabi ni ms Layla pero tumigil ako nang makaramdam na ako ng pagod. Lately ay lagi akong nagugutom. Siguro dala na rin ng stressed ito. Sa pagkain ko rin kasi nirerelease lahat ng stress ko kaya medyo lumalaki na naman ang appetite ko.

"Ma'am, mauna na po ako uuwi. Ang sama talaga ng pakiramdam ko, e." Alibi ko kay Ms. Layla pero sa totoo lang ay inaantok na ako. Gustong-gusto ko lang talaga matulog at humilata sa kama ngayon.

"Sigurado ka bang okay ka? Kahapon ka pa ganyan, ah."

"Oo nga po, e." Isang oras na lang naman at pwede na ako mag-out pero hindi ko na yata kayang hintayin 'yon.

"Okay, umuwi ka na. Pero bukas kung ganyan ka pa malilintikan ka na sa akin."

"Thank you po." Madali akong nag-ayos ng gamit ko saka ako umuwi na.

Pagdating ko sa apartment ko ay dumiretso na akaagad sa kwarto ko par asana matulog pero nakita ko doon si August na payapang natutulog. Nagpaduplicate na kasi ito ng susi noong nakaraan. Nagbihis na ako at naghilamos ng mukha pagkatapos ay natulog na ako sa tabi nito.

Gabi nang magising ako. Wala na si August. Wala rin note na iniwan ito kaya nagcheck ko ng text niya sa akin. Ang iba rito ay text niya pa mula tanghali na ngayon ko lang din nakita.

August: Text mo ako kapag pauwi ka.

August: Love kain tayo mamaya. Ang tagal na nating hindi nagsasabay

August: Gisingin mo ako ah. Matulog lang ako.

August: Tinulugan mo rin pala ako. Haha. Binilhan kita ng pagkain. Tignan mo na lang sa lamesa. Hindi ko na niref para hindi lumamig.

Lovely: Salamat :*

Agad akong napangiti nang makita ko yung pagkain. Ang dami nun tapos nung binuksan ko yung ref may ice cream pa! Mahal na mahal ko na talaga ang boyfriend ko. Hindi niya pinapabayaan na walang laman ang ref ko. Nakakataba ng puso and at the same time nakakataba ng literal.

Tumingin ako sa salamin at napansin kong medyo nananaba nga ako. Tuwing isusuot ko kasi yung skirt or slacks ko ay parang ang sikip na ng mga 'to. Tapos kahit gusto kong magdiet ay hindi ko magawa. Lagi akong nati-tempt sa mga pagkain na nandito sa apartment. Sobrang sagana talaga.

Matapos kong ubusin ang pagkain na binili ni August ay nagtrabaho na ako. May mga inuwi kasi akong workload dahil hindi ko iyon nagawa kanina. Kailangan ay mai-send ko ito kay Ms. Layla for approval. May mga nagconfirm na rin kasi sa aking companies na gusto maglagay ng ads sa nasabing app.

Nagsend din ako ng email sa Cyanwire, ito yung nasabing bagong app ngayon, sinend ko rin sa kanila yung proposal ko sa kanila for launching nila.

August: Gising ka pa? :)

Lovely: yes yes. Gusto ko pa kumain. Kain naman tayo ng pizza. Gutom pa yata yung baby sa tyan ko. Joke hahahaha

August: Aww sana nga baby na lang para magpakasal na tayo agad. hahahahaha!

Lovely: Gagi! Strict ang parents ko hahaha

August: Aww rejected twice. Saklap. Sana sa pangatlo oo na yung sagot haha! Anong flavour gusto mo?

Lovely: Any. Bibilli ka? Bait bait naman ng boyfriend ko. :* :* :*

August: Sweet sweet naman ng girlfriend ko kapag pagkain ang usapan. Sana babae yung laman ng tyan :*

Lovely: babaeng bulate! Haha.

August: Hindi kita mapupuntahan ah hindi ko pa kasi natatapos yung program ko. Nagpadeliver na lang ako sa unit mo. Sorry. :(

Lovely: Okay lang. Basta may pizza. Kahit pakasalan ko pa yung pizza *o*

August: ouch. Pizza > August. Ipapacancel ko na pala yung delivery. Qiqil mo ako haha. Matulog ka na pagkatapos. Makakasama yan sa baby hahahahaumaasaakohahaha

Lovely: gago walang baby hahaha

CUPID NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon