Chapter 6

29.6K 1.3K 308
                                    

CHAPTER 6

Hindi ako nagrereply sa kanya ng ilang araw. Hindi ko alam pero may kutob talaga akong si August 'yon. Ilang araw na rin akong distracted sa work at hindi makausap nang maayos dahil sa kanya.

"Kilala mo ba siya?" Tanong ko kay Allison

"Sino?"

"Yung katext ko." Sagot ko kaya ngumiti si Allison.

"Hindi. Bakit curious ka na sa kanya? Pwede naman kayong magkita." Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinagot niya sa akin.

"Seryoso kasi ako Allison. Kilala mo ba siya?"

"Hindi nga." Kumunot ang noo nito kaya kumbinsido na rin akong hindi nga niya kilala.

"Bakit? May ginawa ba siya sa'yo? Nakipagkita ka ba sa kanya?" Mabilis akong umiling bilang sagot sa mga tanong niya.

"Kahawig niya kasi magtext yung ex ko."

"Ex mo? Yung kinuwento mo noon? Yung gago na sabi ng kaibigan mong si Kristin?"

"Hindi naman gago."

"Ay ipinagtanggol! Mahal mo pa ba?"

"Hindi." Mabilis kong sagot. "Awkward lang, e. Ayaw ko siyang maalala pero kaparehong-kapareho niya kasi."

"Try kong itanong kung sino siya pero hindi ko mapapangakong sasagutin nila ako Denden, ah." tumango ako saka ko siya nginitian.

"Thank you." Pagpapasalamat ko sa kanya saka muling tinignan ang huling text sa akin nung lalaki.

Boyfriend: I hope you're okay. I'm sorry if i frightened you. Hindi ko na iisipin na ikaw siya. I'm sorry.

Hindi pa rin sinasagot si Allison ng kanyang kaibigan. kaya kahit na nasa mall ako ngayon at kasama si Monica ay parang wala pa rin ako sa sarili.

"Nakikinig ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Oo pero hindi ko naiintindihan." Walang ganang sagot ko saka muling uminom ng kape.

"Grabe. As I was saying, si Kristin nga~" umpisa ulit niya pero muli ko na naman siyang hindi inintindi. Bothered talaga ako ngayon sobra.

Humiwalay ako ng apartment kila Monica and Kristin. Kaya nga mas naunang nakasakay si Monica sa akin kanina. Ngayon, iilan na lang kaming nakapila para sa taxi. Wala talagang mga dumadaan ngayon dito dahil masyadong malalim na ang gabi.

Huminga ako nang malalim at tinignan ang bagong dating na text.

Boyfriend: Busy ka?

Tumingin muli ako sa paligid. Wala na halos sasakyan na dumadaan tapos iilan na lang kaming natitira ngayon. Ako pa yung nasa huling line.

Girlfriend: Nasa mall pa ako

Ilang segundo pa lang ang nakalipas ay may nakuha na akong reply mula rito.

Boyfriend: Gabi na, ah. Bukas pa?

Girlfriend: Hindi... Nag-aabang ako ng taxi. Wala ngang nagagawi sa taxi lane, e. :(

Boyfriend: Saan kang mall?

May dumating na taxi pero syempre mauuna na naman yung mga nasa unahan. Yung nasa likuran ko naman na bagong dating ay bigla rin umalis kaagad nang mapansin niyang hindi gumagalaw ang pila. Kaya no choice ako ngayon kung hindi magsabi na kung nasaan ako.

Girlfriend: sa Avenue Mall

Boyfriend: Seryoso?

Girlfriend: Bakit?

Boyfriend: Madadaanan ko kasi 'yan. Sunduin na lang kita, gusto mo?

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa nabasa kong iyon.

Boyfriend: O kung ayaw mo naman, turuan na lang kita kung saan ka sasakay.

Girlfriend: Hindi ako marunong magcommute ng mag-isa. :/

Boyfriend: Sunduin na lang kita. After this, pwede naman na huwag na tayo magkita kung gusto mo.

Girlfriend: Okay

Thirty minutes pa ako naghintay. Halos hindi talaga gumalaw ang linya. May isa lang ulit na umalis dahil sinundo na siya rito.

Boyfriend: Malapit na ako. I'm wearing black shirt.

Girlfriend: Naka-blue ako.

Inaabangan ko siya sa mga darating. Pero makalipas ang limang minuto ay wala pa rin siya.

Girlfriend: Nasaan ka na?

Wala akong nakuhang reply mula rito.

Girlfriend: Hey?

Nagulat lang ako nang biglang may bumusina sa tapat ko. Nagbaba ito ng bintana at tumambad sa akin ang mukha ni Cathy.

"Hi Lovely." Nakangiti nitong bati sa akin. "Pauwi ka na? Wala ng mga taxi na dadaan dito niyan." Aniya. "Gusto mo ihatid ka na namin?" Tumingin ako sa kasama niyang si Gilbert saka ko ito nginitian.

"Sabay ka na." Ani Gilbert.

Muli akong tumingin sa cellphone ko at wala na akong nakuhang reply pa mula kay boyfriend.

"Okay lang ba?"

"Syempre naman. Sakay ka na. Saan ka ba nakatira ngayon?" Tanong ni Gilbert kaya sinabi ko na sa kanya kung saan ako nakatira. Medyo malayo iyon dito sa mall.

Boyfriend: Nasaan ka na?

Girlfriend: Sumabay na ako sa kakilala ko. Thanks anyway

Boyfriend: Take care

CUPID NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon