Chapter 30

25.1K 1.2K 133
                                    


Chapter 30

Bakit nga ulit ako pumayag na makipag-dinner sa bahay nila? Ang tagal kong nakatayo sa harapan ng gate nila. Hindi ko alam kung tama bang ako yung pumunta sa bahay nila. Na-invite naman ako pero nakakahiya pa rin. To think na hindi ko pa naman nakikilala ang daddy niya. Never ko kasing naabutan ang daddy niya sa ospital.

"Pumasok ka kaya sa loob?" Tinignan ko yung lalaking may bike na huminto sa harapan ko. "Ikaw yung sinasabi nilang girlfriend ni August?" Napalunok ako ng laway ko. Kapatid niya ba 'to? Kaso hindi ko gaano makita ang resemblance nila. "Hindi ka ba marunong magsalita?"

"Ah?" napailing na lang yung lalaki dahil sa response ko. Parang nakita ko na siya, e...

"Huwag mo akong titigan. Alam ko naman na gwapo ako pero syempre dapat maging loyal ka sa pinsan ko." Napakunot na lang yung noo ko dahil sa lalaking ito. Nagjojoke ba siya o seryoso siya? Ang dami rin pala nilang magpipinsan.

"Ibabalik ko lang 'tong bike kaya pumasok ka na rin." Sabi nito saka niya binuksan ang gate kaya sumama na ako sa kanya sa pagpasok. Pagkaayos niya ng bike ay pumasok na siya basta sa bahay nila August kaya muli akong sumunod dito.

"May naamoy akong ulam, ah." Aniya... "Teka lang, ah. Upo ka na muna diyan. Tawagin ko lang yung boyfriend mo." Turo niya sa sofa kaya sinunod ko naman ang sinabi nito. Umupo ako sa sofa bago ko iginala ang mga mata ko sa sala nila. Halata namang mayaman sila pero simple lang ang lahat.

Huminga ako nang malalim para mawala ang kaba ko. Hindi ko alam kung sino pa ang darating maliban sa pinsan niya. Kung may mga kapatid din ba siya saka kung ano ang mga ugali nila. Matatanggap ba nila ako?

"Ang lalim ng iniisip, ah." Ngumiti ako kaagad nang makita ko si August. Dahan-dahan itong umupo sa tabi ko at pansin ko sa mukha nito na nasasaktan pa rin siya sa sugat niya kapag gumagalaw siya. "Kanina ka pa?" Umiling ako kahit na sa totoo lang ay kanina pa ako sa labas ng bahay nila.

"Nagdala nga pala ako ng cookies." Nilabas ko yung container sa loob ng bag ko at ibinigay ito sa kanya.

"Naks, ikaw gumawa?" Nakangiti niyang tanong na may halong pang-aasar.

"Syempre, hindi. Binili ko 'yan kanina kasi nakakahiya naman na magpunta rito tapos wala man lang akong dala."

"Hoy August! Alis na ako. May puntahan pa ako, e. Yung bike mo binalik ko na."

"Sige."

"Miss, ingat ka dyan sa pinsan ko ah. Pakitang tao 'yan, e."

"Huwag mo nga akong sinisiraan!" Hinagis ni August yung throwpillow sa pinsan niya kaya natawa na lang yung lalaki sa kanya bago siya tuluyang umalis.

"Parang lahat ng pinsan mo maloko, no? Anong pangalan niya?"

"Si kuya Reggie. Siya yung pinakagago noon bago naging gago si Law."

"Saka noong bago ka naging gago rin?" Pang-aasar ko sa kanya kaya natawa na lang ako nang sumimangot ito.

"Love naman. That was a mistake that I can't even remember." Aniya. Inayos rin nito ang ilang strand ng buhok na napupunta sa mukha ko bago niya hinawakan ang kamay ko. "Si mommy nasa kusina. Tara na rin doon?"

Pinuntahan namin ang mommy niya sa kusina na ngayon ay nagluluto pa rin.

"Ano pong maitutulong ko tita?"

"Ano ka ba, huwag na. August, bakit mo naman dinala pa si Lovely dito? Manood muna kayo sa sala ng kung anu-ano tapos tawagin ko kayo kapag okay na."

"Sure ka, ma? Pwede naman daw tumulong si love, oh."

"Alam mo talagang bata ka, sakit ka talaga sa ulo ko." Parehas kaming natawa ni August dahil sa mommy niya. Sinunod na lang din namin ang sinabi ni tita kasi mukhang nakakagulo nga lang talaga kami sa kusina. Wala naman kasi talaga akong alam sa pagluluto kaya hindi na ako nag-insist pa.

"Gusto mo bang makita yung kwarto ko?" Tanong nito nang pabalik na kami sa sala.

"Pwede ba? Nakakahiya, e."

"Wala naman tayong gagawing masama." Aniya saka niya ako hinila na para umakyat papunta sa silid nito.

Pagpasok namin sa kwarto niya ay may isang bagay kaagad na nakakuha sa aking pansin. Stuffed toy iyon at mukhang kapares iyon ng binigay niya noon sa akin.

"Medyo makalat kasi hindi pa ako nakakapaglinis." Umpisa niya pero wala naman akong pakialam kung makalat ang kwarto niya ngayon. Binitiwan ko ang kamay niya at naglakad ako patungo sa kinalalagyan ng stuffed toy. Kinuha ko iyon at tinitigang maigi. Ang pagkakaiba lang ng stuffed toy na asong ito ay may damit ito na pambabae.

"Yung partner nung binigay ko sa'yo." Saad nito. "Nung namimiss kita iyan lang yung tinitignan ko." Habang sinasabi niya ang mga iyon ay may iba pa akong napansin. Katabi ng stuffed toy na ito ay isang lalagyanan. Bukas ito ay may mga papel sa loob.

Kumuha ako ng isa at hindi naman ako pinagsabihan ni August na huwag iyon galawin kaya binasa ko na rin ang nakasulat doon.

Love,

Ngayong araw, naalala na naman kita. Ganito naman kasi lagi, hindi naman iyon nagbabago. Namimiss kasi kita at hindi ko alam kung saan kita mahahanap. Ngayong araw, binigyan ako ng kaibigan ko ng isang numero. I-text ko raw. Ayaw ko sana pero natalo kasi ako sa pustahan sa basketball. Wala akong nagawa kung hindi i-text yung numero. Love, huwag kang magalit. Natext ko na kasi tapos ang lakas ng pakiramdam ko na ikaw 'yon. Ewan ko, pakiramdam ko lang. Pero kung hindi naman ikaw yun, okay lang. Kasi sabi mo nga noon, kung tayo talaga pagtatagpuin pa rin tayo.

-August

CUPID NO MOREOnde as histórias ganham vida. Descobre agora