Chapter 38

19.9K 873 80
                                    


Chapter 38

"Matagal ka pa uuwi?" malungkot kong tanong kay August habang ka-video call ko siya. "Namimiss na kita, e." Dugtong ko.

"Uuwi na ako this week love."

"Ang tagal pa rin." Sabi ko bago ako ngumuso. I heard him groan kaya napataas yung kilay ko bigla. "What?" Tanong ko sa kanya.

"Isang nguso mo pa lilipad na ako pauwi mahalikan ka lang." Ngumuso pa ako lalo dahil sa sinabi niya kaya natawa na lang siya.

"Ano? Akala ko lilipad ka na pauwi. Wala ka palang isang salita, e." Pang-aasar ko rito pero nginitian lang niya ako saka pinakita yung pusang nasa lap niya. "Hindi mo ako makukuha sa mga pusa pusa, no. Balik ka na rito. Sinanay mo kasi akong laging sinusunod yung gusto ko, e." Ngumiti lang ulit ito kaya mass lalo ko tuloy siyang namimiss.

"Ang sweet mo ngayon." Pansin niya. "Dapat pala minsan lumalayo ako sa'yo para lagi kang clingy." Sabi niya pa kaya napasimangot ako bigla. Namimiss ko na nga siya tapos bigla niya pang naisip yung ganyan. Nainiis tuloy ako bigla. "Huwag ka nang mainis. Uuwi naman na ako this week." Ulit niya pero lumabi pa rin ako. "Love naman." Bigla rin akong napangiti nang marinig ko yung paglalambing sa boses nito. Tinignan ko siyang maigi at parang problemado siya dahil bigla akong nainis kanina.

Nakakainis. Namimiss ko na talaga siya.

"yayakapin talaga kita kapag nakauwi ka na." Sabi ko sa kanya.

"Love naman. Hindi ako sanay na vocal ka. Feeling ko namumula ako ngayon." Sabi niya kaya natawa na lang ako.

"dapat pala ina-attack kita minsan, e."

"Attack?" tumawa ito bigla, "love iba yung attack na naisip ko." Sabi niya bago ito ngumisi na dahilan din kung bakit biglang nag-init yung pisngi ko. "baka makabuo tayo niyan."

"S-Sira! W-wala pa sa plano ko 'yan." Sagot ko rito kaya mas lalong lumakas yung tawa niya.

"Bakit namumula na yung love ko? Ilan ba gusto mo? Para pag-uwi ko gawa na tayo." Natatawa nitong sabi.

"Sasakalin talaga kita kapag umuwi ka." Kako rito kaya mas lalo lang siyang natawa. "nakakainis ka!"

"Pero seryoso, ilan ang gusto mo?"

"B-bakit ba bigla kang nagtatanong niyan?"

"Gusto ko lang malaman. Ako kasi gusto ko dalawang lalaki tapos isang babae."

"bakit gusto mo ng tatlo?" Curious kong tanong sa kanya

"wala kasi akong kapatid. Hindi naman ako malungkot na mag-isa ko dahil may mga pinsan ako pero syempre iba pa rin yung may kapatid. Kahit na lagi silang nag-aaway at the end of the day, nagtutulungan pa rin sila."

"sige na nga. Tatlo na rin." Natawa pa siya sa naging sagot ko. Hindi naman ako napipilitan pero syempre kung magkakaanak man ako dapat dalawa o tatlo lang. Kasi ako nga lang noon ay naging sakit na ng ulo ni mama. Paano pa kaya kapag marami yung anak?

"parang napilitan, ah." Sabi niya.

"Hindi kaya." Nalipat ang atensyon ko nang biglang umilaw yung cellphone ko sa gilid. Text iyon galing kay Jason.

Jason: Cali, Alis ka na ba bukas? Kita muna tayo.

Lovely: Busy

Iyon ang naging tanging sagot ko rito.

"Beach tayo pag-uwi ko?"

"sige, saan? Sinong kasama?" tanong ko rito. Umalis na yung pusa sa lap niya tapos ay lumipat si August ng pwesto.

"Kahit saan. Tayong dalawa lang." Parang nahiya ako bigla sa sinabi niya. Natry ko ng magpunta ng resort na nandoon siya pero may mga ibang tao at hindi iyon planado.

Jason: Oh, kahit sandali lang?

Napataas yung kilay ko sa text ni Jason.

Jason: Bilang dati man lang na magkaibigan. I'm not hitting on you, okay? Alam ko naman na may boyfriend ka na. Kahit isama mo si Adrian. Magsama rin ako ng iba.

Napakamot tuloy ako bigla ng ulo ko.

"Sinong katext mo?"

"H-hah?" bumalik ang atensyon ko kay August.

"Hindi ka na sumagot, e. Sino ba 'yan at bigla kang naging busy? Lalaki ba 'yan?"

"H-hah?" parang hindi napa-process bigla sa utak ko yung mga sinasabi ni August. Rinig ko ang paghinga ni August nang malalim. Disappointment is also painted on his face.

"A-a friend." Friend ko naman talaga si Jason pero bakit parang nagsisinungaling ako ngayon? Natakot kasi ako bigla na baka magalit sa akin si August lalo pa't kitang-kita ko sa mukha niya yung pagka-disappoint dahil lang nawala ang atensyon ko sa sinasabi niya.

"sinong kaibigan? Alas dos na ng madaling araw nagti-text pa?"

"Yung kaibigan ko rito sa amin. Nagyayaya kasi na lumabas kami bukas bago ako umuwi."

"Yung Adrianna?" Tanong niya sa akin kaya bigla na lang akong napatango. "Bakit gabing-gabi naman yata magyaya? Diba magkasama lang kayo?"

"Kasama raw yung ibang kaibigan namin." Napakagat ako ng labi ko pero sandali lang iyon.

Jason: Still there, Cali? Isama mo si Adrian tapos isama ko rin yung kaibigan ko. Para hindi awkward sa'yo. Nandito ka na rin lang, e. Sulitin na. :)

"Eyes on me, Lovely." Bigla akong napaupo nang maayos dahil sa tinawag niya sa akin. Kahit na sa screen lang ay pakiramdam ko ay kitang-kita ako ni August. Yung tipong ramdam ko yung bawat titig niya sa akin ngayon. "Nagsisinungaling ka, e. Sinong kaibigan 'yan? Lalaki ba? Papayag naman akong sumama ka basta isama mo yung mga kaibigan mo."

"Hindi ka ba magseselos?" Diretsong tanong ko rito.

"So, lalaki nga?" Tumango ako at muli ko na naman narinig ang paghinga niya nang malalim. Kinamot din nito yung ulo niya and then harshly brushed up his hair using his fingers. "May dapat ba akong ipagselos?" Marahas akong umiling dahil wala naman kasi talaga dapat siyang ipagselos. "Okay. Sabihin mo na pupunta ka para hindi ka niya i-text nang i-text. Matulog ka na rin pagkatapos."

"Galit ka ba?" Bigla akong nalungkot dahil seryoso na ang boses nito at hindi na katulad kanina.

"Hindi. Pero hindi mo rin kailangan magsinungaling sa akin love. Matulog ka na. Masama 'yung lagi kang nagpupuyat."

"Okay, matulog ka na rin. Goodnight. I love you." Paalam ko rito.

"Goodnight." Iyon lang ang nasabi niya. Walang i love you too man lang. Marahil ay nagalit ko nga.

Lovely Dennise Calarion: I'm sorry. You know how much I love you, right?

August Lenard Parco: I know. Let's talk again tomorrow, okay? Payag naman ako na sumama ka sa kanila. Goodnight.

Magrereply pa sana ulit ako kaso biglang nawala na yung green dot sa pangalan niya. Senyales na naglogout na ito. Galit nga yata talaga.

Jason: Cali? Tulog ka na?

Lovely: Pinayagan na ako ng boyfriend ko. Isasama ko si Adrian. G'night Jay.

CUPID NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon