Chapter 18

24.4K 1.3K 166
                                    


CHAPTER 18

Lihim akong napangiti nang makita ko si August na naghihintay sa akin sa labas ng building. May yakap-yakap itong stuffed toy habang may kausap ito sa cellphone niya. Kakapost ko lang nung blog kanina bago ako bumaba kaya marahil ay hindi pa niya iyon nababasa. Akala ko pa man din wala na talaga siyang gagawin. Tumikhim ako nang makalapit ako sa kanya. Agad naman itong ngumiti sa akin at muling kinausap ang nasa kabilang linya.

"Oo, bale ipasa mo na lang yung CV mo sa binigay ko sa'yong email address. Hindi na kita matutulungan pagkatapos. Huwag ka na ngang magulo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinapos na niya yung tawag.

"Hi." Nakangiti nitong bati sa akin. "Gusto mong kumain?"

"Diba ang sabi ko huwag mo na akong sunduin?" Pinilit kong maging neutral lang ang mukha ko. Ayaw kong makita niyang natuwa akong nakita siya.

"Kaysa naman ihatid ka nung Henry." Aniya pa. Sa asta niya ay hindi talaga niya alam yung tungkol sa kakapost ko lang. "Para sa'yo nga pala." Inabot niya sa akin ang bear na stuffed toy habang hindi nakatingin sa akin. Ngayon lang siya may binigay sa akin. Ang tanda ko lang na binigay niya sa akin ay yung libro at isang stuffed toy rin na noong naghiwalay na kami nabuksan.

"Kain tayo." Yaya niya sa akin. "Early dinner?" Alanganin itong ngumiti sa akin. Feeling ko kasi ay alam niyang tatanggi ako.

"Okay." Sagot ko sa kanya. "Pero ayokong nililibre ako." Tuloy ko pa dahil alam ko na ang ugali niya. Agad kong napansin ang pagngiti niya dahil sa sagot ko. Hindi siguro talaga niya inexpect na papaya ako.

"Totoo?" Masaya nitong tanong nakaya napaisip ako bigla. Nasaan na yung August na mataas ang confidence?

Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya. Maliwanag pa naman pero kahit papaano siguro ay hahayaan ko na si August na mag-isip kung saan kami kakain. This time ay siya naman ang dapat masunod. This time ay dapat kilalanin ko rin siya.

***

Pag-uwi ko galing sa dinner namin ni August ay nagpost ako ng status sa isa kong account. Actually, okay naman yung dinner. Medyo awkward lang dahil parang iniisip niya ang lahat ng sasabihin niya. Kumbaga may filter. Kumbaga ay alanganin siya sa lahat.

'Dati ay hindi ka nahihiya sa akin. Dati ay kinukwento mo sa akin yung lahat kahit hindi ako nagtatanong. You were so carefree and I like that about you.'

Ilang sandali pa ay nagulat ako nang siya mismo ang magcomment sa post kong iyon.

'Kasi nasaktan na kita noon. Kasi kinikilala ko yung ikaw ngayon.'

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now