Chapter 36

19.4K 1K 88
                                    


Chapter 36

"Hindi na talaga makakarating si August?" Mahinang tanong ni Monica sa akin nang patulog na kaming apat. Sa baba kami pareho ni Monica at sa kama ko naman iyong dalawa pa na ngayon ay tulog na.

"Hindi, e." Sagot ko rito habang nag-iisip ng ich-chat kay August. Hindi na kasi siya nagchat kanina ulit nung sinabi niyang may emergency sila. "May emergency raw." Tuloy ko pa bago huminga nang malalim.

"Try mo itanong sa kaibigan niya? Or sa pinsan niya?" Pilit ko tuloy inalala yung pangalan ng isang pinsan niya. Law nga ba iyon?

"Wait search ko." Sabi ko kay Monica saka ko hinanap ang pangalan na Law Parco. Wala akong makita sa facebook kaya napilitan akong hanapin sa friends list nito. Nagtanong din ako sa pinsang niyang mas bata sa kanya na si Sabrina pero wala rin daw itong alam.

Sa paghahanap ko ay nakita ko yung Lawrence Kojima. Sigurado na ako kaagad na yun ang pinsan niya kaya in-add ko ito. Mabilis naman niya akong in-accept at nagchat.

Lawrence Kojima: Bakit miss girlfriend?

Lawrence Kojima: Good evening pala. Haha!

"Mukhang plkayboy yang pinsan niya." Natatawang ani Monica.

"Playboy talaga." Sagot ko naman.

Lovely Dennise Calarion: Tanong ko lang sana si August.

Lawrence Kojima: Ah! Bigla kasi siyang namutla kahapon. May cancer pala.

Nanlaki yung mga mata ko sa chat ni Lawrence. Matagal ko iyong tinitigan. Kung makapagsabi siya na may cancer sobrang casual lang at tila walang bahid man lang ng pag-aaalala sa pinsan niya. Umupo tuloy ako bigla at ilang beses nagcompose ng irereply pero agad ko iyong dinidelete.

"Anong sabi?" Tanong ni Monica pero hindi ako sumagot.

Lawrence Kojima: Joke! Haha!

Doon ay para akong nabunutan ng tinik.

Lawrence Kojima: Pero nasa ospital na siguro ngayon. Ooperahan 'yon. May sakit bato yung kumag. Kiss mo na lang siya pag-uwi niya.

Lovely Dennise Calarion: Another joke ba 'yan?

Lawrence Kojima: Aww hindi na siya naniniwala sa akin. Pupuntahan ko nga bukas 'yun. Sabihin ko na tayo talaga ang itinadhana.

Lovely Dennise Calarion: Law naman. Be serious kasi. Yung totoo nga?

Lawrence Kojima: Love naman seryoso kasi :<

Lovely Dennise Calarion: Yuck! Kilabutan ka.

Lawrence Kojima: Hahahaha! Pwera biro, nasa ospital talaga yun ngayon. Itinakbo kasi si tita sa ospital dahil biglang nakaramdam ng pananakit sa tyan at ilang araw na nagsusuka. Matulog ka na. Ganun kasi talaga si August kapag pamilya niya yung nao-ospital. Hindi agad nakakausap. Baka umiiyak na yung kumag hahaha. Joke. Siya siguro nag-asikaso ng lahat. Yung dad niya kanina hindi nila kasama nung isinugod si tita.

Lovely Dennise Calarion: Thanks

Lawrence Kojima: Np! Goodnight.

"Ang seryoso mong kachat yung pinsan niya, ah."

"Paano hindi? Dalawang beses nantrip." Muli akong humiga. "Pero mas lalo yata akong na in love kay August." Nakangiti kong sabi rito.

"Sus! Matulog ka na pagkatapos."

"Sige. Matulog ka na rin. Chat ko lang si August."

Lovely Dennise Calarion: Be safe, love. Alagaan mong mabuti mommy mo.

Matutulog na ako nang matanggap ko ang reply ni August.

August Lenard Parco: Sorry ngayon lang nagcheck ng phone. I will. Sino nagsabi? Sorry hindi ko agad nasabi. Nataranta kasi ako :<

Lovely Dennise Calarion: si Law. In-add ko.Pahinga ka na.

August Lenard Parco: I miss you. Vid call?

Lovely Dennise Calarion: Iiihhh laki na ng eyebags ko. Hiya na ako haha

August Lenard Parco: Sige na. Maganda ka pa rin naman. Sorry hindi ako nakapunta sa inyo.

Lovely Dennise Calarion: May next time pa naman.

August Lenard Parco: Baka may ibang lalaki na dyan na umaligid sa'yo? :(

Lovely Dennise Calarion: Wala! Grabe ka.

Pero sa sagot kong iyon ay para na akong nagsinungaling sa kanya dahil bigla kong naaalala si Jason. Alam ko sa sarili ko na kaibigan ko lang siya.

August Lenard Parco: Malay mo. Umaandar pagkaseloso ko kahit sabihin mong wala. Ugh. Ang hirap pala ng LDR i love you. Hahahahaha Sige matulog ka na kung ayaw mo ng vid call. Usap tayo ulit bukas. Goodnight, love.

Agad akong napangiti sa reply niya sa akin. Kaya kahit ayaw ko sanang makipagvideocall ngayon ay lumabas talaga ako ng kwarto ko para makausap ko lang si August.

Ang daya lang dahil gwapo pa rin siya kahit mukha siyang pagod. Nag-usap lang kami ng tungkol sa mommy niya. Saka napakilala ko rin siya kay mama nang dumaan ito sa harapan ko.

"Sa susunod pumunta ka na dito sa amin, hah?" anyaya ni mama ko sa kanya.

"Opo tita. Magpahinga na po kayo pagkatapos niyan. Tulungan mo na kasi si tita, love." Saad pa ni August kaya natawa na lang yung mama ko sa tabi ko.

"Oo na. Heto na. Sige matulog ka na rin. Goodnight."

"Goodnight." Pagkasabi niya niyon ay tinapos ko na yung call. Nakangiti naman si mama sa akin at mukhang approve naman siya kay August.

"Gusto ko yun. Magalang at marunong mag-alaga ng pamilya." Sabi pa ni mama ko. "O siya tulungan mo na nga ako katulad ng sabi ng boyfriend mo para matapos na 'to."

"opo." Muli ko lang chineck yung phone ko dahil may message pa ulit si August sa akin.

August Lenard Parco: nahiya ako mag i love you sa'yo sa harap ni mama mo. Hahaha. Lakas ng heartbeat ko kainis. Isang i love you too mo lang huhupa na to hahahahaha.

Lovely Dennise Calarion: i love you, too. Okay ka kay mama kaya matulog ka na. hahahahahahaha

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now