MNYOD [Chapter 22]

65.7K 997 180
                                    

Dedicated nga pala ito kay YemaAlex. Sabi niya nagpaparinig daw ako. At opo tama siya. HAHA. Gustung-gusto ko po talaga ng mga lalaking magaling magluto. Yun po talaga ang ideal man ko. anyway, keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 22 – The JERK



"Oh, magpakabait kayong dalawa ha. Tsaka Andy, since dito na mag-aaral ang Tita Anne mo, syempre makakasabay mo na siya pag-uwi. Huwag mo na ulitin yung ginawa mo dati ha?"


Yes, opo mga kaibigan. Mag-aaral na nga uli si Anne. Matapos kasi ng napag-usapan nila ni Drei ay di na niya nagawang pumalag pa sa pinsan. Ginawa na kasi ni Drei ang lahat mula sa enrollment hanggang sa pagbili ng uniform niya. Kaya no choice si Anne kundi sumunod sa pinsan niya.


"Yes daddy." Hinalikan naman agad ni Andy si Drei sa pisngi at dali-daling tumakbo papsok sa gate ng paaralan niya.


Halatang di excited si Anne. Wala siyang kaeffort-effort na naglalakad papasok. Nagulat nalang siya ng may biglang magsalita.


"Kayo na naman? Ano na naman pong kailangan niyo?"


"Heh! Wala akong ginagawa sa inyo manong!"


Oo, si manong guard ang kausap niya. Yung manong guard na inaway niya dati sa sobrang pag-aalala niya kay Andy.


"Aba, estudyante po pala kayo rito?" tanong ng guard sa kanya. Nakaupo na naman siya sa pwesto niya palagi. Sa guard house.


"Oo bakit?"


"Di niyo naman po sinabi."


"Di ka naman kasi nagtatanong!" halos pasigaw na sagot ni Anne kay manong guard.


Naiirita kasi ito dahil unang-una ay ayaw naman niyang nag-aaral. Tapos kinukulit pa siya nito eh umagang-umaga pa.


"Eto naman. Ang aga-aga, high blood po kayo maam."


"Paanong di ako maha-high blood eh ang aga-aga binubwisit niyo ko kaagad."


Napakamot nalang sa ulo ang guard. Nagtataka kasi siya kung bakit siya ang pinagbubuntunan ng galit ng dalaga.


My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon