MNYOD [Chapter 13]

70.5K 1K 54
                                    

Dedicated nga pala ito kay ElladeGuzman. Sabi niya naiiyak daw siya sa story ko. Awww. Thank you sa pag-appreciate ng story ko. Keep on reading MNYOD. Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***


Chapter 13 – Denial



Naglalakad na pabalik si Yanna patungo sa kanyang opisina. Di naman siya galit dahil sa nangyari. Medyo nagtatampo lang na mas inuna pa ng kapatid niya si Drei kesa sa kanya.


Sinalubong naman siya agad ng sekretarya niyang si Shiela. 


"Maam, may bisita po kayo."


"Ha? Nasan siya?" 


Nagtataka siya. Kung may bisita, bakit walang tao sa labas? Tanging siya lang at si Shiela ang naroroon.


"Nasa loob na po." 


Loob? Diba't bilin niya kanina bago siya umalis na huwag magpapasok ng kahit na sino sa opisina niya?


"Diba't sinabi ko sayo na huwag na huwag kang magpapapasok sa loob ng opisina ko?"


"Eh kasi po, sabi niya, di raw po kayo magagalit."


"What? Sa tingin mo ba, hindi ako nagagalit ngayon?"


"Sorry po maam." Halos nanginginig na ang boses ni Shiela. Halata naman kasi na galit na ang boss niya at natatakot siyang baka tanggalin siya sa trabaho. "Paaalisin ko nalang po."


"No. I'll handle it myself."


"Sorry po talaga maam." Halos yumuko pa si Shiela ng humingi ito ng tawad kay Yanna. Kitang-kita naman kasi ang galit na namumuo rito.


Nagsasalita na ng mag-isa si Yanna habang pumapasok sa sarili niyang opisina. 


"Simpleng instruction lang naman, di pa makuha? My god." 


Galit na galit siya. Di naman kasi makaintindi ang sekretarya niya ng simpleng salit lang.


My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon