MNYOD [Chapter 30]

59.9K 956 112
                                    

Dedicated ang chapter na ito kay zedmisa. Hello! Eto na, dedicated na talaga ang chapter na ito sayo. Sorry kung medyo natagalan. Sabi ko naman sayo diba, meron pang iba? Pero at least, eto na talaga. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: iHeartCMU

All Right Reserved | 2012

***

Chapter 30 – Dreams of the Past


Makailang ulit na ring tinatawagan ni Yanna si Drei pero hindi ito sumasagot. Kahit kabuwanan na nito ay nasa labas siya. Tumakas siya sa kanyang ama sa tulong ng kanyang kapatid na si Gela.


*Calling Andy*


*Calling Andy*


"Drei, sumagot ka naman. Drei, please. Nasan ka na ba? Anong oras na. Drei, sumagot ka."


*Calling Andy*


*Calling Andy*


Kinakausap na ni Yanna ang sarili. "Ba't ba ang tagal mo Drei? Nasan ka na ba?"


Nakatakda kasi silang dalawang magtagpo ni Drei ngayon. Nangako sila sa isa't-isa na magpapakalayo at magtatayo ng sariling pamilya.


*Calling Andy*


*Calling Andy*


Walang pakialam si Yanna kung maghirap pa sila. Kahit na sanay siya sa luho ay wala siyang pakialam, basta't ang importante ay magkakasama silang tatlo ng anak niya at ng ama ng dinadala niya.


"Drei, nangako ka sakin. Nangako kang magpapakalayo tayong tatlo. Tayo lang. Nasan ka na ba?"


Pero imbis na si Drei ang dumating ay iba.


"Sino kayo?" tanong ni Yanna.


May walong tao kasing biglang lumabas sa isang sasakyan malapit sa kanya.


"Ano ba! Sino ba kayo ha?"


Di kilala ni Yanna ang mga taong iyon pero alam niyang mga tauhan iyon ng kanyang mga ama. Sa mga kasuotan pa lamang ng walong lalaki ay alam na alam niyang nagtatrabaho iyon sa kanyang ama.


"Pinag-utusan lang ho kami." Sabi ng isang lalaki habang lumalapit sa kanya.

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon