MNYOD [Chapter 23]

65.7K 1K 125
                                    

Guys, pakibasa din daw ang WHEN THINGS GET COMPLICATED. Kathniel din po yan. Gawa po siya ni iamcelynraquel. Kung may time kayo, basahin niyo yan. I'm sure maganda rin po yan. :)

***

Dedicated itong chapter na to kay Soledad_lover dahil siya ang unang nakahula na buhay pa talaga si Gela at di pa patay. Hello! Grabe, ang galling mo. Hehe. Keep on supporting MNYOD. Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 23 – Stupid Favor


[ANNE's POV]


Inhale. Exhale. Tama, huwag kang kabahan Anne. Syete! Sinong hindi kakabahan? Pinapatawag ako ng President eng University na to kaya paanong hindi ako kakabahan?


May nagawa ba akong mali? O baka naman dahil nalaman nilang nagsisisigaw ako kanina? O baka naman dahil sa pang-aaway ko dun kay manong guard? Kahit kalian talaga, pahamak na guard yun.


Whew. This is it. Katukin mo na Anne. Kanina ka pa nagmumukang gago dito sa labas.


Inhale. Exhale. Kakatok na talaga ako. Bahala na si Batman.


*tok tok tok*


"Come in." Sabi nung boses sa loob.


Syempre pumasok na ako. Alangan naman tumayo pa ako dun. Anong hihintayin ko, birthday ni Daniel Padilla? Eh tapus na yun eh. 17 na nga siya. Gwapo niya talaga. Nakaka-inlove masyado!


"Good morning po." Sabi ko dun sa lalaking di pa naman masaydong matanda kung tingnan.


Siguro eto yung presidente. Tanga, siya nga yan! May nameplate eh! Wow. Ang ganda naman ng opisinang to? Ang linis-linis. Tapus may kung anong decorasyon pero syempre parang pang-opisina pa rin. Kaso parang sobrang lamig naman ata? Di kaya magkasakit naman ata ang nagtatrabaho ditto? Panigurado mapupulmonya kung mananatili dito. Ang lamig eh.


"You must be Miss Honey Angelica Suarez?"


Bah! Nag-research pa talaga siya about sa akin ha. Ganun na ba ako kasikat? O baka naman sobrang laki talaga ng kasalanan ko? Sa pagkakaalam ko di naman alam ni manong guard yung pangalan ko kaya paano naman niya ako masusumbong?


"Anne nalang po."


"Well sit down Miss Anne."


Sympre umupo na ako. Ayaw ko namang mag-standing ovation lang nuh. Tapat na tapat kaya sayo ang aircon pag nakatayo ka.

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon