MNYOD [Chapter 25]

64.9K 1.1K 133
                                    

Dedicated ang chapter na it SuperJeykkk. Nag-post siya sa board ko, sabi niya maganda daw ang story ko. Natuwa ako masyado kasi parang malimit lang na may lalaki na nagbabasa sa wattpad. Opo, lalaki po siya. Basahin niyo story niya, maganda. Hi Kuia! Ganda nung story mo na THE MAN WHO CAN'T BE MOVED. Ba't feeling ko parang story yun ng buhay mo? Haha. Anyway, keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 25 – Repeated Memories


 [RHIAN's POV]



Ano ba tong nararamdaman ko? Parang ang bigat ng ulo ko. Ano to? Bimpo? Kelan pa ako naglagay nito? Nasan ba ako? Nasa kwarto pa naman ako. Teka, ba't iba na ang damit ko? Pinalitan siguro ni Nana Mercy. Teka, nasan ba si Nana? Nagugutom pa naman ako.


Hala!? Sino tong – teka, sino to? Lalaki? Ba't may lalaki sa kwarto ko? Ba't merong natutulog na lalaki sa tabi ng kama ko?! Teka, parang pamilyar. Di naman siguro to si Drei diba? Ano namang gagawin niya sa loob ng bahay ko. Ni hindi nga niya alam kung saan ako nakatira eh.


Ahy, teka nagising. 


"Oh gising ka na pala."


Kinuha niya yung bimpo sa ulo ko. Tapos hinawakan ang noo ko.


"Bumaba na pala ang lagnat mo. Mabuti naman."


"D-drei? Anong ginagawa mo dito?"


"Dinaan ko lang ang report para mabasa mo. Sabi kasi ni Sir, bumalik ka na daw next week. Sisimulan na daw ang construction."


"Si Nana?"


"Wala, umalis. May nangyari daw sa bahay nila. Baka raw matagalan. Kaya ako muna pinagbantay niya sayo."


"Ganun ba? Eh yung ano – "


Panu ko ba sasabihin to? Tatanungin ko pa ba kung sinong nagpalit ng damit ko? Huwag nalang kaya? Nakakahiya. Baka nga naman si Nana. Imposible din namang siya diba?


"Ano?"


"Ahh wala."


*Gruuuukkkk*


My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Where stories live. Discover now