MNYOD [Chapter 48]

47.1K 704 46
                                    

Dedicated nga pala ang chapter na ito kay gerohlovesblackcofee. Hello! Eto na ang dedication ko for you. Dahil offline reader ka na nagsusubok magbagong buhay. Yehey! Nagparamdam ka sakin. At masyado akong natuwa sa sinabi mo. Hihi. Sana magustuhan mo ang update ko. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: iHeartCMU

All Right Reserved | 2012

***

Chapter 48 – DNA Result

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Teka, nasan ako?

Tiningnan ko ang paligid. Kwarto to at nakahiga ako sa kama ko. Ibig sabihin, nasa bahay ko ako mismo. Pero anong nangyari? Bakit ako nandito?

Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako sa kwarto ko. Bakit ang tahimik?

Ahh. Wala nga pala si Manong Joseph, day-off niya ngayon. Eh teka, si Nana Mercy? Tatanungin ko pa siya kung anong nangyari.

“Nana Mercy? Nana? Nasan po kayo?”

 

 

Makailang ulit ko ng tinawag ang pangalan niya pero wala pa ring sumasgot kaya napagdesisyunan kong hanapin siya sa lahat ng sulok ng bahay.

Una kong pinuntahan ang kwarto niya pero wala siya. Chineck ko ang cabinet pero nandun pa lahat ng mga gamit niya. Pinuntahan ko na rin ang likod ng bahay pero wala siya dun, at tapos na rin yata ang mga labahin niya.

Nalibot ko na ata ang lahat pero wala siya. Kaya napagdesisyunan kong kumain nalang. Nakakagutom na rin kasi. Kaya naman pumunta ako sa may kusina.

Pero bago ko pa buksan ang ref ay nakita ko ang isang papel na naglalaan ng mensahe niya sa akin.

 

 

* Rhian, umalis lang ako saglit. Tinawagan kasi ako ng pamangkin. Sabi niya may lead na daw sa pagkawala ni Maribel. Huwag kang mag-alala. Babalik din ako agad.*

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon