MNYOD [Chapter 38]

58.7K 945 188
                                    

Guys, pwede favor? Kung meron kayong time, pwede basahin niyo ang story ng kaibigan ko? It's entitled The Jealousy Story. Sinulat po yan ng kaibigan kong si Kaye na si bananaandpotato07. Maganda po yan. Though di siya Kathniel, maganda pa rin po siya. Thanks! :)

***

Dedicated ang chapter na ito kay shadowfield. Hello Diane! Eto na, dedicated na talaga ang chapter na ito sayo. Sorry kung medyo natagalan. Mag-iisang linggo na rin kita pinag-hintay. Madami-dami kasing nauna na nagpapadedicate sayo eh. Pero at least, eto na talaga. Hehe. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***


Chapter 38 – Phone Call



 [RHIAN's POV]


Siguro nga namamalikmata lang ako nun nung nakita ko ang ate ko. At siguro tama si Drei na masyado ko lang namimiss ang kapatid ko. Pagkatapos rin kasi ng nangyari, di ko na nakita pa ang babaeng yun. Sinubukan ko siyang hanapin pero ahit anong hanap ko sa kanya ay di ko siya makita. Nagtanong-tanong na rin ako sa iba pero wala daw silang nakikitang kamukha ni ate. Impossible na rin naman na buhay pa siya dahil nandun ako nung nilibing siya. Di ko siya iniwan kahit isang saglit. Maging ang mga gamit niya at kotse ay sa kanya talaga.


Masakit man isipin, napagdesisyunan ko ng tanggapin lahat. Oo, ngayon, tanggap ko na talaga na wala na ang ate ko. At kahit kalian ay di na maibabalik ang buhay ng kapatid ko. At panahon na siguro para pakawalan ko siya at ipagpatuloy ang buhay. Sign na rin siguro niya yun sa akin para iparating na okay na ang lahat. Na masaya na siya kung nasan man siya. Na wala na akong dapat pang alalahanin dahil nasa mabuting kalagayan na siya ngayon.


At alam ko, ngayon, panatag na loob niya. Wala na siyang sakit na mararamdaman at di na siya masasaktan. Lahat ng galit na meron siya, mawawala na at mapapalitan ng kasiyahan. At alam kong lagi lang siyang nandiyan. Nasa tabi-tabi lang siya o baka nga nasa tabi ko pa mismo. Binabantayan niya ako lagi panigurado gaya ng ginagawa niya dati nung mga bata pa kami.


Sa ngayon, kasama ko pa rin si Drei. Syempre, kailangan naming tapusin ng maayos ang trabaho namin. Mag-iisang linggo na rin kami dito. At bukas uuwi na kami. So far, naging maayos naman ang project na ginagawa namin. Masisipag ang mga tao at mahigpit rin ang seguridad. Walang nagpapabaya kaya smooth lang ang lahat.


May konting aberya nga lang dahil medyo nagka-problema sa materyales pero okay na rin naman. Nagawan naman namin ng paraan since matagal na rin naman na supplier ng kompanya ang contractor sa Germany. Tungkol naman sa design ko, ayun, umabot na sa wakas. Buti nalang di pa talaga nagagawa lahat kung hindi baka di maayon sa ginawa ko. Syempre dugo't pawis ang inilaan ko dun.


Nandito kami ni Drei ngayon sa may tabing dagat. Tapos na rin kasi ang trabaho namin. And since aalis na kami bukas, naisipan naming dalawa na maglibot-libot muna at lasapin ang lugar for the last time. Hayy. No wonder gustong-gusto ni mommy na nagpupunta sa probinsya. Di ko nga lang alam kung anong probinsya pinupuntahan niya. Lagi siyang may binibisita dun pero di naman niya kami sinasama dun.

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon