MNYOD [Chapter 39]

54.1K 886 106
                                    

Dedicated ang chapter na it  shairylsharkin . Hello Hannah! Eto na, dedicated na talaga ang chapter na ito sayo. Sorry kung medyo natagalan. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 39 –Negative



 [RHIAN's POV]


Sa wakas ay nakarating na kami ni Drei sa Maynila. Matapos ang ilang oras ng biyahe ay nakarating naman kami ng matiwasay. Buti nalang ay walang nangyari sa amin. Ako na rin kasi ang nag-drive. Pansin ko kasi na wala talaga sa sarili niya si Drei.


Pagdating namin sa Maynila ay dumiretso na agad kami sa Vincent Medical Center. Di na nga ako inantay ni Drei na makababa ng sasakyan eh. Dumiretso na agad siya sa information desk at tinanong ang kondisyon ni Andy.


Sa ngayon ay nandito kami ngayon sa ospital. Hinihintay namin na lumabas ang doctor at sabihin ang kondisyon ngayon ni Andy. Nahihilo na nga ako dahil kay Drei. Pabalik-balik siya sa paglalakad at halatang nag-aalala siya masyado sa anak niya.


"Sinong pong kamag-anak ni Andrea Mikaella Suarez?" sabi ng doctor na kakalabas lang.


Lumapit naman kami agad at nagsalita si Drei. 


"Father po niya ako Doc."


"Sa ngayon po, okay na po ang anak niyo. Maayos na po ang kalagayan niya."


"Ano po bang nangyari sa anak ko?"


"May anemia po ang anak niyo. "


Anemia? Hindi ba't nangyayari yun kapag ang red blood cells ng isang tao ay meron lamang napakakonting hemoglobin?


"Panu po nangyari yun doc? Sa pagkakaalam ko ay healthy naman ang anak ko."


"Maraming klase ng anemia at nakukuha ito ng lahat ng tao. But the most common cause in children is a diet low in certain nutrients needed to make hemoglobin, especially iron, folic acid, or vitamin B12."


"Ano po bang pwede nating gawin?"


"Kailangan masalinan ng dugo ang anak niyo."


"Magbibigay ako doc. Kahit kunin niyo na lahat ng dugo ko, mailigtas lang ang anak ko."

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon