MNYOD [Chapter 42]

53.7K 813 121
                                    

Dedicated ang chapter na ito kay SHAaapatparasayo. Siya po ang unang nakahula kung sino at ano ang magiging papel ni MARCUS sa story. Hello! Eto na ang dedication ko for you. Dami mo ring kaagaw dito. Buti nalang ikaw ang pinakaunang nakakuha ng tamang sagot. Yung iba kasi late na eh. HAHA. Sana nagustuhan mo ang update ko. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 42 – Astonished



 [RHIAN's POV]


Nandito ako ngayon sa bahay ni Drei. Sinamahan ko kasi siyang kumuha ng mga damit niya at ng kay Andy. Dun daw kasi muna si Andy sa ospital ng mga isang linggo.


"Rhian, halika –"


Di na natapos ni Drei ang sasabihin. Bigla nalang siyang natigilan. Eh kasi naman, nagulat siya sa itsura ko.


"Anong nangyari sayo? Ba't namumula mata mo?" tanong niya sakin at umupo sa tabi ko.


"Eh kasi naman, umiyak ako."  Paliwanag ko sa kanya.


"Ano? Bakit, anong nangyari?" nagtatakang tanong niya sa akin.


"Wala. Masyado lang akong nadala sa pinanood ko."


Eh kasi naman, masyado akong nadala sa napanood ko. Eh kasi naman, yung bida nagkita na ulit sila after many years. Tapos humihingi ng second chance yung partner niya para daw mabuo yung pamilya nila. Nakakaiyak lang. :'(


"Akala ko ano na. Pinakaba mo ko Rhian."


"Sorry." Sabi ko at ngumiti sa kanya.


"Halika na nga." Sabi ni Drei at tumayo na. "Baka hinahanap na tayo ni Andy."


Tumayo na rin ako. "Sandali lang. CR muna ako." Sabi ko at humakbang papuntang second floor. Nandun kasi CR nila eh.


"Yung banyo nalang sa kwarto ko yung gamitin mo. Sira yung nasa may hallway."


"Okay."


Pumasok naman agad ako sa kwarto ni Drei at agad na nagbanyo. Pagkalabas ko ay saka niya lang napansin ang buong paligid ng kwarto.


My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon