MNYOD [Chapter 20]

65.1K 982 106
                                    

Dedicated nga pala ito kay Nicaperez25. Hello hello hello! Sabi niya magbabagong buhay na daw siya. Di na daw siya magiging silent reader. At dahil diyan, palakpakan! HAHAHA. Dedicated sayo ang chapter na ito. Just like what I've promised. Keep on supporting MNYOD ha? Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 20 – Tears



 "Henry, si ate. Wala na siya."


Hindi makapaniwala si Henry sa kanyang narinig. Paanong wala na si Gela eh kausap niya pa man din ito kanina. Nagtalo pa nga sila kanina ng dahil sa mga bagay-bagay.


"Ha? Paanong? Anong nangyari?"


"Wala na si ate Henry. Wala na siya!" Umiiyak na si Rhian. Halos yakapin na nga siya ni Henry dahil naglulupasay na ito habang umiiyak ng todo.


"Calm down Rhian. Tara, puntahan natin yung mga pulis."



***          



Kausap ngayon nina Henry at Rhian ang mga pulis. Sila pala ang tumawag kay Rhian. Halos di na makaimik si Rhian at patuloy na lamang ito sa pag-iyak. Kung kaya't si Henry na lamang ang kumakausap sa pulisya.


"Ano po ba talagang nangyari?"


"Di rin po talaga namin alam sir. Wala rin po kasing mga nakakita kung ano talagang nangyari kasi di po talaga matao ang lugar na yun." sabi ng pulis. "Pero base sa observation namin ay nabangga ang kapatid niyo at tumama ang sasakyan niya sa puno. Siguro ay gumamit ng cellphone ang biktima kaya sumabog ang kotse."


"Pero paanong? At isa pa, cellphone niya yung pinanggamit niyo pagtawag sa amin. Naka-register yun sa cellphone ng girlfriend ko kaya bakit dahil sa cellphone?"


"Di rin po namin alam sir. Basta may nakita kaming hibla ng gasoline. Siguro ay dahil na rin po sa pagkakabangga. Kaya nung sinubukan siguro kayong kontakin ay sumabog." Naglakad ang pulis at may kinuha tsaka bumalik. "Dun naman po regarding sa cellphone ng biktima, nakita po namin ito di kalayuan sa pinangyarihan. Baka naman po dalawa ang cellphone ng biktima."


"Sigurado po ba kayong kapatid ko talaga yun?" Singit naman ni Rhian sa usapan nina Henry at ng pulis. Hanggang ngayon ay di pa rin kasi siya makapaniwala na wala na ang kanyang kapatid.

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon