MNYOD [Chapter 29]

62K 981 129
                                    

Dedicated ang chapter na ito kay Si-khatAkoCotino. Nag-oonline po siya sa cellphone niya para lang mabasa ang story ko. Awww. Touch naman ako masyado. Hello! Eto na, dedicated na talaga ang chapter na ito sayo. Sorry kung medyo natagalan. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 29 – Lover's Quarrel



Wala ang teacher namin ngayon sa last subject. Balita ko may sakit ang anak, eh wala naman daw mag-aalaga kaya di na rin siya pumasok. Kaya naman ngayon naglalakad ako papasok ng classroom ko. Galing kasi ako ng CR. Agad-agad naman ako umupo sa upuan ko.


"Hi Andy!" 


Yep, katabi ko ang aking boyfriend. Siya lang naman si Andrei Marcus Suarez. Sobrang bait niyan kaya nga mahal na mahal ko eh. Di pa kami nag-aaway niyan kasi nga ang bait talaga niya.


"Ako ba?" tanong niya na parang nagulat.


Bakit may iba pa ba akong kausap? Eh sa kanya lang naman ako nakatingin ah.


"Naman! Ang gwapo talaga ng boyfriend ko!" sabi ko sa kanya habang kinukurot ang pisngi niya.


Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Hayyy. Nakakinlove masyado. :))))


"Yan naman, ba't naman Andy?"


Bakit? May masama ba sa sinabi ko? Pangit ba ang pangalang ANDY? Parang di naman ah. Ang cute nga eh.


"Andrei kasi pangalan mo. Ang cute nga nun eh."


"Huwag naman ganun. Parang pambabae."


"Di naman ah."


Tiningnan ko yung katabi ko at kinalabit. "Pambabae ba Jane?"


"Ha?"


Di yata nakikinig si Jane. Di naman kasi siya kumikibo. O baka naman di niya narinig? Ulitin ko kaya tanong ko?


"Huwag ka na nga mandamay ng iba. Para kang bata."


Bata? Bata na ba ngayon ang magtanong? Kapag nagtanong din ba siya, bata rin siya? Hmmmmppp.

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon