MNYOD [Chapter 15]

66.4K 1.1K 100
                                    

Dedicated nga pala ito kay LoryviLeogo. Hello dear! Eto na, I dedicate this chapter to you. Nang dahil sayo, nalaman ko na napadpad pala ang MNYOD sa What's Hot section so thank you. Keep on supporting MNYOD. Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 15 – Get Together



 "Rhian?"


"Drei?"


"Hi daddy!" sabi ni Andy ng walang pag-aalinlangan. Wala naman kasi siyang kaalam-alam sa tension na namumuo kay Rhian at Drei.



Ayaw namang magpahalata ni Drei sa anak kung kaya't minabuti niyang umakto ng tama. 


"Hello baby. Anong ginagawa mo dito?"


"I want to surprise you kasi daddy. Early kasi ang dismissal namin ngayon."


"Nasan ang Tita Anne mo?"


"She's not here. Di niya po alam. Daddy, can we please go to Star City?" Kitang-kita ni Drei ang pakikiusap ng anak niya pero di niya ito pwedeng pagbigyan. Oras pa naman kasi ng trabaho.


"May trabaho pa kasi si daddy eh. Sorry baby, next time nalang."


"Po? Eh kasi lagi nalang po kayong busy. Sige na  po daddy. Please? Please?"


"Baby, kasi may trabaho pa kaming gagawin ni Tita Rhian mo. Magagalit siya sige ka." Sobrang pagpapasensya naman na pinapaliwanag niya nito kay Andy at tinuro-turo pa si Rhian.


"Ehhh? Magagalit po ba kayo Tita?" sabi ni Andy sabay tumingala kay Rhian. Maliit kasi siya kung kaya't tumutingala pa siya para lang makita ang Tita Rhian niya.


Di naman makapagsalita si Rhian. 


"Ha? Ahh –


Di niya alam ang isasagot. Di pa rin kasi siya makapaniwala na may anak na si Drei.


"Sige na po Tita. Para di na rin po kayo malungkot. Sama nalang po kayo sa amin ni daddy."

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon