MNYOD [Chapter 4]

85.4K 1.6K 107
                                    

Dedicated nga pala ito kay LOVEiiTA. Kasi nag-eefort talaga siyang mag-vote sa mga chatpers ng MNYOD. Thank you talaga! Mwah Mwah :*


***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***


Chapter 4 – SECRET


Matapos ng naging usapan nila Andy ay agad pumunta si Anne sa kwarto ni Drei. Naabutan niya itong nakaupo sa working table habang gumagamit ng laptop at tila may ginagawa.


Akala ni Drei na ang anak ang pumasok sa kwarto. Kaya naman di man lang siya nag-atubiling tingnan ang pumasok at tuloy-tuloy lang ang paggawa niya sa report na pinapagawa sa kanya.


"Kuya." Sabi ni Anne habang palapit ito kay Drei.


"Oh Honey, ikaw pala yan." 


Nagulat siya at si Anne pala ang pumasok sa kwarto niya. At mukahang wala pa ito sa sarili. 


"Di ka man lang kumatok. Akala ko si Andy."


Umupo naman si Anne sa couch at diretso lamang ang tingin sa pinsan niyang si Drei


"Pasensya na. Medyo nawala lang ako sa sarili."


"Oh bakit, anong nanyari?"


"Tinanong ako ni Andy tungkol sa nanay niya." 


Nang marinig yun ni Drei ay napatigil siya sa ginagawa. Nabigla siya sa sinabi ng pinsan.


"A-anong sinagot mo?"


"Wala. Iniba ko yung usapan." 


Nakahinga ng maluwag si Drei sa sinabi ng kanyang pinsan. Dahil kapag nagkataong nalaman ni Andy ang totoo, di niya alam ang gagawin.


"Sinabi mo pala yung tungkol kay Yanna."


"Oo. Baka kasi mas lalo niyang gustuhing malaman ang tungkol sa nanay niya kung di ko siya sasagutin." 


Naisip kasi ni Drei na kapag wala siyang sinabi tungkol sa ina nito ay baka mas lalong lumaki ang hangarin nitong makilala ang ina kung kaya't minabuti niyang kwentuhan ito kahit kaunti man lang.

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon