MNYOD [Chapter 44]

54.5K 854 304
                                    

HAPPY BIRTHDAY SA KATAPID KO! At dahil birthday ng kapatid ko, binibigyan ko po kayo ng isang mahabang update! Grabe ha. Nagsipag talaga ko magsulat nito kasi gusto ko na di kayo mabitin dun sa last update ko. Tsaka sabi ko nga, birthday ng kapatid ko kaya gusto ko i-treat kayo. Eh since di naman tayo magkasama, eto nalang treat ko sa inyo. Hehe. Sana magustuhan niyo siya. :)

***

Dedicated ang chapter na ito kay SuperwomanJhela17. Hello Jhela! Grabe, kapangalan mo pa ang isang character ko dito sa story ko. Yun nga lang magka-iba kayo ng spelling. Hehe. So eto na ang dedication ko for you. Pasensya ka na kung medyo natagalan. Pero at least, eto na talaga. Sana nagustuhan mo ang update ko. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 44 – Chance



 [DREI's POV]


Mag-iisang buwan na rin mula ng makilala ko ang totoo kong ama. Aaminin ko, nung una, parang di ko siya matanggap. Siguro ay dahil ayokong palitan ang pwesto ni Tatay Rey na siyang kinalakihan kong ama. Pero napagtanto ko na ang unfair ko naman kung di ko siya bibigyan ng pagkakataon. Dahil kung tutuusin ay wala siyang kasalanan. Wala siyang ginawanag masama. At di niya ginustong mawalay samin ni nanay. Tsaka di niya rin ako inabanduna gaya ng iba. At ramdam ko rin naman ang pagmamahal na pinapadama niya. Talagang pinaninindigan niya ang kanyang pagiging ama.


Sa ngayon, nandito kami sa bahay. Dapat ay last 2 weeks pa si Andy na-discharge pero inobserbahan pa siya dahil na rin sa sakit niya kaya medyo natagalan bago siya nakalabas. Kay naman last week pa nga na-discharge si Andy. Bumabawi din talaga ang totoong ama ko sa mga taon na di kami nagkasama. Araw-araw siyang bumibisita samin at namamalagi sa bahay. At dito na rin daw titira si nanay. Para naman daw may magbantay kay Andy since nag-aaral na rin si Anne.


 "Marcus?" tawag niya.


Hanggang ngayon, Marcus pa rin ang tawag ni papa sakin. Sabi ko naman sa kanya na Drei nalang kasi yun yung nakasanayan ko. Pero mas gusto daw niya yung Marcus. Yun daw kasi ang binigay niyang pangalan sa akin.


Napag-alaman ko din na dapat ang pangalan ko ay Brian Marcus. Pinagsamang pangalan ng ama't ina ko na sina Bernard at Annie. Dun naman sa Marcus, pangalan daw yun ng nasirang kapatid ni Papa na napakamalapit sa kanya. Kaya ayaw niya sa Drei kasi pinalitan daw nun yung Brian. Eh Andrei naman kasi ang naging pangalan ko dahil rin sa pinagsamang pangalan ni nanay at ang tumayo kong tatay. Since Annie si nanay at Rey ang pangalan ni tatay, naging Andrei siya.


Aish ewan. Minsan nga, nag-aaway yang dalawang yan dahil lang sa napalitan ang pangalan ko. Eh ano pa bang magagawa nila eh lumaki na akong Andrei Marcus Suarez ang pangalan. Tsk.

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon