MNYOD [Chapter 26]

62.5K 976 61
                                    

Dedicated ang chapter na ito kay HannahNOcalena. Hello Hannah! Eto na, dedicated na talaga ang chapter na ito sayo. Sorry kung medyo natagalan. Di ko rin naman alam na nakalimutan ko pala. Pasensya na talaga. Pero thank you sa pag-remind sa akin. Chat mo uli ako anytime. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 26 – Confession



[DREI's POV]


Akala ko okay lang. Akala ko kaya ko. Akala ko tanggap ko na. Pero sa nangyayari ngayon, isa lang ang napagtanto ko. Di ko pa rin pala kayang makita si Rhian na nagmamahal ng iba. Kahit na alam kong may sapat naman siyang dahilan para ipagpalit ako, di ko pa rin maiwan ang magselos. 


Oo, inaamin ko, nagseselos ako. Nagseselos ako na umaabot na sa puntong parang sasabog na ang puso ko. Kahit na alam kong wala akong karapatan. Kahit na wala ng namamagitan sa aming dalawa. Kahit na may boyfriend siyang iba.


Masakit pala talaga. Gaya nung mga nasa pelikula. Akala ko sinasabi lang nila yun para pumatok ang pelikula nila. Yun pala, masakit pala talaga. Ang sakit-sakit na makita mo ang mahal mo na nagmamahal ng iba. Ang sakit-sakit na kahit ikaw yung nasa tabi niya, iba ang hinahanap niya. Ang sakit-sakit na kahit anong pilit mo sa sarili mo na kalimutan siya, di mo kaya. Kasi kahit anong sakit pa ang nararamdaman mo, siya at siya pa rin ang babalikan mo. Dahil siya lang naman ang nag-iisang nagpapatibok ng puso mo.


Siguro nga gago ako. Ang gago ko kasi nasasaktan ako. Ang gago ko kasi ako din naman ang dahilan kung bakit nawala siya sa akin. At ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang pagmamahal niya sa akin. Ako mismo ang nanakit sa sarili ko. 


Pero masisisi ba nila ako? Ginawa ko lang naman yun para sa ikabubuti ng lahat. Dahil alam ko na sa ginawa ko, maraming buhay ang di masisira. Maraming tao ang di magdurusa. At higit sa lahat, ginawa ko yun para sa taong pinakamamahal ko. Ginawa ko yun para sa kanya, para kay Rhian.


Bumalik na ako sa kwarto niya. Titingnan ko kung bumaba na ba ang lagnat niya. Kahit naman siguro nasasaktan ako, di ko pa rin siya kayang iwan. Di ko kayang iwan ang babaeng pinakamamahal ko.


Umupo ako sa isang silya. Pinagmamasdan ko lang siya. Naaalala ko yung dati. Parang ganito rin kami. Sa tuwing umaatake dysmenorrhea niya, ako nag-aalaga sa kanya. Pinatong ko ang ulo ko sa may kama niya. Kahit papaano ay pagod na rin ako. Di rin naman siguro masamang magpahinga ako sa tabi niya. Kahit man lang sa ganitong paraan, maramdaman ko na ako yung kasama niya. Na gaya ng dati na ako lang ang nag-aalaga sa kanya.


Nang maramdaman kong parang may gumalaw ay inangat ko ang ulo ko. 


My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Where stories live. Discover now