MNYOD [Chapter 31]

57.4K 920 89
                                    

Dedicated ang chapter na ito kay netnet15 dahil birthday niya ngayon. Pinagbigyan ko request niya. Hello! Happy Happy Birthday! Sorry ha? Yan lang ang kaya kong ibigay as a birthday gift. HAHA. Pero seryoso, may you have more birthdays to come. Sana nagustuhan mo ang update ko. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 31 – Together



 [DREI's POV]


Kasama ko ngayon si Rhian. Magaling na rin kasi siya. At sabi niya, papasok na raw siya sa trabaho kaya eto ako, kasama niya.


"Rhian, halika. Ito na nga yata."


Tama, wala kami ngayon sa opisina. Sinabihan kasi kami ni Sir Magdangal, yung HCE na sinimulan na raw ang paggawa ng resort. At pinapapunta niya kami sa site.


"Sigurado ka ba Drei?"


Nasa tapat kami ngayon ng isang bahay. May binigay kasi si Sir na address. At ang sabi niya, dun daw kami tutuloy ni Rhian. Di man lang sa hotel. Kasi nga sabi niya, mas malapit daw kasi to sa site. Ayaw pang aminin na sadyang ayaw lang talaga nila na tumuloy kami sa pinakamalapit na hotel sa site kasi pagmamay-ari yun ng mahigpit na kakumpetensya ng kompanya.


"Magtanong na lang tayo."


Mga isang linggo rin kami dito. Yun ang pagkakaalam ko. Pero sabi ni sir, baka daw bumalik ulit kami ditto. Basta ang importante raw ay ang masigurado namin na nasa ayos ang lahat. Malaking project ito at malaking pera ang nakataya kaya sobrang kabado ang boss ko.


*tok tok*


*tok tok*


"Tao po?"  Baka naman walang tao? Pero impossible, sabi ni Sir, okay na daw ang lahat.


* tok tok*


*tok tok*


"Tao po?"


Bumukas ang pintuan at sinalubong kami ng isang lalaki. Medyo matanda na siya pero di pa naman namumuti buhok niya.


"Bakit?"


"Ahh, magandang umaga po. Pwede po bang magtanong?"

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon