MNYOD [Chapter 41]

57.9K 869 145
                                    

Grabe, isang MAHABANG UPDATE! Dahil na rin sa nakapasa ang kapatid ko sa Qualification Test. Yey! Kabilang ang kapatid ko sa Science Class kaya imma so happy talaga! Kaya naman, hinabaan ko ang update ko today. Tsaka dito na magsisimula ang sinasabi ko sa inyo. :)

***

Dedicated ang chapter na ito kay ReiThe Muggle. Hello Rei! Sorry ha, kung medyo natagalan. Pero at least, eto na talaga siya. Hehe. Pasensya na talaga. Sana nagustuhan mo ang update ko. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 41 – Sudden Meet-up



 [DREI's POV]


Kakalabas lang namin sa opisina ni Dr. Manuelo. Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na may ganoong sakit ang anak ko. Ang bata pa niya para magkasakit ng ganun.


"Drei . . ." sabi ni Rhian at hinawakan ang kamay ko. Pansin niya siguro na parang wala ako sa sarili ko.


"Rhian, si Andy . . ." 


Niyakap ako ni Rhian. At dahil dun ay di ko na napigilan pa ang sarili ko na umiyak. 


"Masyado pang bata ang anak ko . . ."


"Huminahon ka Drei." Sabi niya at hinahaplos-haplos ang likod ko.


"Rhian, ayokong lumaki siyang bulag. Gusto kong maging normal ang buhay niya." Sabi ko habang umiiyak.


"Di pa naman siya mabubulag Drei. Narinig mo naman ang sabi ng doktor. May magagawa pa siya."


"Pero Rhian, ang sakit lang na may posibilidad na lumaking bulag si Andy."


"Alam ko. Pero manalig tayo sa Diyos Drei. Manalig tayo." Sabi niya habang yakap-yakap pa rin ako.



***



[ANNE's POV]


Nasan kaya si Kuia? Nakapagtataka naman kasi. Bigla nalang kaya siyang umalis nung dumating kami. Tapos binilin niya pa si Andy. Ano kayang nangyari?

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon