J. O. CHAPTER 43

1.2K 11 5
                                    

AUTHORS NOTE:

 

            SORRY PO SA DELAY, NAHOSPITAL KASI -_-

            MEDYO MAIKSI LANG DIN ITO DAHIL, NAILAGAY KO NA SA SUSUNOD NA CHAPTER ‘YUNG IBANG SCENE NA KADUGTONG NITO HEHE.

 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

CHAPTER 43

The punch!

Contagious nang maituturing ang pagkahumaling ng mga istudyante sa nasabing page at groups sa ‘facebook’. Lumipas lamang ang isang gabi ay dumoble na ang bilang ng likes sa page at members ng groups, parang mga gremlins na naulanan na nag-mulitiply ang mga ito sa bilis. Hindi ‘man lahat ng account na nakalike or member ay totoong account, nagtake-time pa rin ang mga istudyante na gumawa ng fake accounts para lang maging ‘in’ sa pinaka-latest na ‘juice’ na kumakalat sa lahat ng campus.

Iritable na si Jerome kanina habang nasa jeep siya, hindi niya kasabay sina Jessie umalis dahil kailangan ng kapatid na maagang makapunta sa school. Past 10am na siya umalis ng bahay, hindi nanaman niya pinasukan ang subject niya na pang 7am., bagsak na rin naman kasi siya. Pagdating niya sa Pamantasan, mukha naman normal, mga nakatambay na istudyante sa gilid-gilid na may hawak na cellphone, paselfie-selfie at paposing-posing. Pero sa pangharap lang pala ito dahil kung sisilipin mo ang ibang nakahawak sa cellphone na hindi nagseselfie, nakatambay ito sa pinakasikat na page at nagbabasa ng mga chismis.

Nabubuhay ba talaga ang mga Pilipino sa chismis? Mukhang kayang magpatakbo ng mundo ng isang kakaibang chismis ‘eh. Umupo si Jerome sa may hagdan na paakyat sa second floor, sa hagdan na wala masyadong nadaan at nasa tapat ng cr ng first floor sa kaliwa. Doon niya napili kainin ang binili niyang hotdog at inumin ang binili niyang ‘Big 250’ mango flavor. Loner muna siya, nasa klase kasi sina Kevin at Hazel, mamaya naman pa ang pasok ni Bogart. Mas gusto na niyang kumain sa tapat ng cr, hindi naman mabaho, tahimik pa dito at walang iistorbo sa kanya.

Kung hindi ko napigilan si Ace, hindi siguro nakatulog ng maayos si Jessie. Kumagat siya sa hotdog. Pero mukhang malalaman at malalaman rin naman niya ang tungkol doon sa video, pagdating niya sa school malamang headline ‘yun. Hindi ko masyadong kilala ‘yung babae pero parang nakita ko na siya, sa isang lugar, noon. Hmm. Uminom siya sa juice, pampalamig ng lalamunan. Imposible naman na naidate ko na siya, fresh pa sa utak ko ang mukha niya at almost--- Nagbilang sa isip si Jerome. Hindi ko na maalala kung kailan ako nakipagdate ng matino, hindi naman counted ‘yung kay Ria noon.

Naenjoy niya ang matabang pulang hotdog na nakapalaman sa ininit na hotdog bread na nilagyan ng ketsup at mayonaise sa ibabaw. Pambansang pagkain sa campus ang hotdog na ito, sa ‘coop’ siya nabibili, tindahan na hawak ng school. Unang pasok ni Jerome, nasa 12 pesos pa lang presyo nito pero ngayong nakaka-apat na taon na siya tumaas na rin ang price nito sa 16 pesos.

Pamilyar talaga ‘eh bakit ba ganito ako? Si Justin, unang kita ko pa lang parang nakita ko noon pero hindi ko lang matandaan. Tumatanda na ba ako? Alzeimers na ba tawag dito? Side effect ba talaga ng yosi ang memory lost!? Sinipsip niya ang laman ng juice sagad hanggang sa dulo ng pack nito, sinusubukan pa rin niyang maalala kung saan niya ba nakita ang babae sa video. Kinuha na niya ang cellphone niya sa bulsa para maki-wifi at makischismis sa page.

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon