J. O. Chapter 49

574 13 26
                                    

AUTHORS NOTE:

 

            SORRY PO KUNG DELAYED.

            ENJOY READING, HINDI KO NA ATA KAYA 'YUNG ISANG BAGSAKAN ANG EPISODE SA ISANG CHAPTER ERRR... NAKAKAINIS PLEASE BEAR WITH PA RIN PO SANA...

 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 

CHAPTER 49

Finding Nico

 

"Dito niyo na ako ibaba." Nagmamadaling utos ni Justin, pagdating ng sasakyan nila sa tapat ng gate ng G.I.U. Tumigil naman ang sinasakyan niyang kotse, ayon na rin sa sabi niya. "Ayoko sumabay papasok." Nakatingin siya kay Jem nang magsalita. "Una ka na." Bumaba na siya at hindi na pinakinggan pa ang sasabihin ni Jem.


Umiba siya ng daan, maingat at dahan-dahan. Hangga't maari ay ayaw niyang may makakilala na nakasakay siya sa kotseng itim na may convoy na 2 kotseng itim. Binunot niya ang cellphone niya sa bulsa para sana tignan ang oras, bagay na hindi niya ginagawa noon. Oo nga pala. Pero wala siyang nakitang oras dahil nakapatay ang cellphone niya. Ayoko na muna siyang isipin. Binulsa na niya uli ang kaniyang cellphone at naglakad papunta sa paborito niyang tambayan.


"Justin." May tumawag sa pangalan niya na nakilala na niya ang boses.

"Bakit Denver?" Sagot niya dito paglingon niya.


"Ahe! Nakilala mo ako?" Nakataas ang mga palad ni Denver sa gulat.

"Kilala ko ang boses mo." Ngumiti si Justin.


"Sinundan kita mula 'nung bumaba ka sa kotse." Ngumiti kahit takot si Denver.

"Ganun?" Sumama ang tingin ni Justin kay Denver, pero acting lang niya ito. Nais lang niya pag-tripan si Denver. "Kapag pinagkalat mo na pumasok ako sa school sa ganung paraan lagot ka sakin."

"EEH! Hindi ako magdadaldal!" Winagayway ni Denver ang mga palad niya.

Natawa ng bahagya si Justin. "Tera na, puntahan na natin si Doc."


"Ay, si Doc? Wala pa siya sa clinic." Wika ni Denver.''

Tumigil sa paglalakad si Justin. "Wala pa? Late siya?"

Tumango si Denver. "Dumiretso ako doon kasi makikibalita sana ako sayo, pero sarado pa."

"Puntahan na lang natin." Mapilit si Justin.


Naglakad ang dalawa papunta sa clinic, nakalock at patay pa ang mga ilaw sa loob. May emergency siguro siya. "Oh well, mukhang sa bleachers nanaman ako iidlip." Nagkibit balikat si Justin, sabay baling kay Denver na nakapout habang sumisilip-silip sa loob ng clinic. "Pumasok ka na." Sambit niya kay Denver. "May klase ka diba? Matutulog lang ako sa socce field, doon mo na lang ako puntahan mamaya."


"Eh." Napatingin si Denver kay Justin. "Ayoko pumasok eeh."

"Huh? Bakit? May nambubully ba sayo?" Tanong ni Justin.

"W-wala naman." Tinaas uli ni Denver ang mga palad niya at kinaway ito. "Nakakasabay naman ako kahit hindi ako napasok eeh hehe. Sama na lang muna ako sayo."

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon