J. O. Chapter 25

2.3K 19 6
                                    

AUTHORS NOTE:

KUNG DI AKO NAGKAKAMALI, TWO SCENES ANG MEDYO ‘SPG’ DITO KAYA NGAYON PA LANG NAGBABABALA NA AKO SA MGA MEDYO BATA KONG READERS, TAKIP KA MUNA ISANG MATA PARA DI KA MASYADONG MAGING MAKASALANAN, LIGHT LANG NAMAN SIYA AT PINILIT KONG HINDI GAWING MALASWA ANG GAMIT NG MGA SALITA.

ANG PARATING NA CHAPTER 26 DIN AY MAY EKSENANG DI ANGKOP SA MGA BATA. PERO UULITIN KO, LIGHT LANG, AYOKO LANG KASI KAYO MABIGLA KAYA SINASABI KO NA. DON’T WORRY, HINDI PA ‘TO TATAKBO SA NON-TEEN FICTION. TALAGA LANG KASING MEDYO BINABATAY KO SA SOCIETY NG PINAS ANG NANGYAYARI KAYA, AYUN. HEHE!

Sige na! Basa na! Mahabay ‘yan. Hihi.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

CHAPTER 25

Secrets

Kung kailan naman last day na ng exam saka naman ako parang nawawalan ng gana. Err- pero kailangan kong makapasa! Nanlalabo na mata ko sa sgy ni Kuya, kailangan ko na ring isoli dahil binabawi na niya. Argggggh~

Inuntog na lang ni Jessie ng mahina ang ulo ng tatlong beses sa railings na harang ng rooftop.

Last exam na nila para sa last day ng exams, puro madadali na lang ang naiwang subject. Sa loob ng isang araw, hindi niya kinausap ng matagal si Nico. Mahirap parin para sa kanya ang mag- panggap. Dumating sa rooftop sina Ace at naabutan siyang inuuntog pa rin ang ulo sa railings.

“Pag- nasira ‘yan diretso ka sa baba, tapos babayaran mo pa ‘yung pampagawa ng bago.”

Kilala na niya ang boses, Ace-chan. Tumingin siya sa ibaba, naisip niya kung paano kaya siya malalaglag pag nasira ang railings. “Ace-chan! Una ba sakin ulo pag-nalaglag ako?”

“Depende, kung kaya mong gayahin ‘yung mga cheerleaders na nag-aacrobat sa hangin puwedeng puwet ang mauna.” Tinabihan siya ni Ace sabay tapik sa balikat. Ngumiti na lang siya na may halong asar.

“Pag-kain mo.” Inabot ni DJ ang isang order ng french fries na nagkakahalagang 25 pesos na nakalagay sa lalagyan na madalas gamitin pang noodles.

“Solomot~” Hihi. Frenchfries delight!

Isa- isa silang pumunta sa nakatumbang teachers table para sumandal at kumain. Celebration dahil nairaos na nila ang lahat ng subject, paghahanda naman para kay Ace na magiging busy dahil sa pag-cocompute ng mga grades para sa first grading.

“Jessie, Ralph. Kontratahin ko na kayo ah, tulungan niyo mo ko Ralph sa pag-cocompute tapos Jessie taga-paypay ka na lang namin ni Ralph.”

“Huh? Teka bakit ‘yun lang ang gagawin ko!?” Bigla siyang natigilan sa pag-subo.

“Eh’ kasi hindi naman kita puwede pagkatiwalaan sa grades, pagdating naman sa pagsusulat para sa card ng section niyo eh’ baka hindi nila maintindihan pag-ikaw ang gumawa!”

Jeepney OverdriveWhere stories live. Discover now