J.O Chapter 6

2.8K 28 6
                                    

CHAPTER 6

Headline!

            *Magandang gabi... dalawang highschool student na babae ang muntik ng, magahasa at manakawan ng limang kalalakihan sa isang kalsada malapit sa isang kilalang mall. Ayon sa isa sa mga babaeng nakaligtas, sila daw ay papauwi na sana at papunta na sa sakayan ng jeep ng maramdaman nilang may sumusunod na sa kanila. Ayon sa pulisya, ang mga suspect daw ay ang kilalang grupo ng mga kabataang lalaking nang hoholdap sa mga jeep at bus sa bandang Alabang, ang pagkakahuli daw ng grupo ay isang malaking kaluwagan para sa kaligtasan ng mga mamayan.*

 

            Full volume ang ilang sa mga TV ng residente ng CastroBerde Village, lalu na sa mga taga Ilang-ilang at Kalachuchi street. Lahat kasi ay nakaabang sa balita tungkol sa dalawang dalagang muntik ng mapahamak. Kilala sa Ilang-ilang sina Jessie, matagal na rin kasi na doon sila nakatira.

            “Ano na? Aling Beybi? Pinakita na ba sina Jerome?” tanong ng tambay na si Lito.

            “Hindi pa... mamaya pa siguro yun, ano na kaya nangyari sa batang yun... wala parin tao sa kanila oh...”

            “Oo nga po eh, miski yung bagong lipat na bata... hindi pa nauwi, kagabi pa sila wala.”

            “Sana wala namang masamang nangyari...”

            Hanggang sa facebook ay kumalat din ang balita tungkol sa nangyari sa kanila. Trending din ang #safetyforgirls, dahil ayon sa ibang nakaka-alam ay kulang daw talaga sa bantay ang lugar na iyon at hindi lamang sina Jessie ang unang nabiktima.

            “Guys... may alam na ba kayo sa nangyari kay Jessie? :(“ ang status ni Mae, posted 3mins ago.

            “Hindi pa nag-rereply si Nico eh...” comment ni Jc.

            “Kahit si Ralph hindi nasagot sa mga tawag...” si Trixie ang sumunod na nagcomment.

           

 

            Sa isang pribadong hospital naka-confine si Jessie, sinagot kasi ng ama ni Jem ang bayad dito kasama na rin ang mga gagastusing gamot. Nagising na kanina si Jessie, pero nakatulog ito dahil sa fatigue. Nakaupo sa tabi niya ang kapatid na hinihimas pa ang ulo niya habang siya ay natutulog, nakaupo naman sa sofa sa loob ng kwarto at pinagmamasdan siya ni Ralph. Si Nico ang naging taga-kausap sa mga nurse. Nasa kabilang side naman nakatayo si Jem.

            “Jem, salamat sa papa mo ah... paki-sabi na lang magpapadala si Papa ng pera para mabayaran namin yung mga nagastos.”

            “Ok lang Jerome, kahit wag na... sabi ni daddy, pasasalamat niya kay Jessie ito. Kasi kung hindi niya ako unang pina-alis, hindi ako makakahingi ng tulong.”

            Bakas sa mga mata ni Jerome na umiyak siya at hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin sa nangyari sa kapatid. “Salamat... maraming salamat.”

            “Jem...”

            Pumasok sa kwarto ang papa ni Jem na katatapos lang makipag-usap sa mga reporter at pulis. “Gusto mo na bang umuwi?”

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon