J. O. Chapter 16

2.7K 25 5
                                    

AUTHORS CORNER:

        THANK YOU FOR READING AND SUPPORTING ME :D

        ALAMIN KUNG MAGKAKA-FIRST KISS NA SI JUSTIN KAY JESSIE!!  AT SINO KAYA ANG NAKITA NI JESSIE NA NAGTRIGGER NG 'ANGER ATTACK' NIYA? LIKA... SAKAY KA, BASAHIN NATIN. HIHI.

________________________________________________________________________

CHAPTER 16

Anger Attack

Mahangin ang panahon ngayong araw, walang bakas na maaaring pumangit ang panahon. Maliwanag pero hindi nakakapaso ang sinag ng araw. Sumasayaw ang mga dahon ng puno sa tuwing madadaanan ng malambing na hangin, gumagawa ito ng nakakarelax na tunog sa tenga na sinasabayan ng mga ibon na napapadaan at nagchichismisan.

“Jem...?”

“Justin?!” ...Wala nanaman ba siyang exam o hindi siya nagexam.

“Ginagawa mo dito? Tambay ka na rin ba?” Nagkita ang dalawa sa garden ng school. Malapit lang ito sa soccer field kung saan naman madalas matulog si Justin.

“Nag-rereview ako, ikaw? Matutulog ka nanaman ba?” It seems like he change his attitude.

“Nah, may iniintay ako rito... teka may classmate ka bang Denver?”

“Denver? Oo, his a nerd... but he is really smart. Madalas... siya yung ka-tie ko sa mga scores. Why?”

“I see. By the way... nag-breaktime ka na ba?”

Bumilis ang tibok ng puso ni Jem sa pagtingin sa kanya ng kinakapatid. Why... why is he acting like this... “Not yet...”

“Pagdating niya , meryenda tayo... mahirap magreview ng walang kaen.”

He smiled... not that way... but he... he smiled.

“Uhm! Sige... hihi.”

“Ano bang nirereview mo diyan?” Pumunta si Justin sa likod ni Jem, binasa niya ang librong nasa harapan nito. “Ah... Asian History.” Tumabi siya kay Jem. “Would you mine if I help you?”

I don’t know but...

Tumango siya at saka ngumiti kay Justin. “Sure.” Minasdan niya ang mukha ng kinakapatid habang binabasa ang mga notes niya at libro. Maybe I’m just over reacting about the situation. Maybe I was wrong...

.

.

.

“EEEEKKKKKK!”

“Paano tataas ang performance ng section niyo kung di ka gumagawa ng assignment mo! Anong ginawa mo buong gabi!? Naglaro!?” baliktad ang eksena nina Jessie at Ace. Si Jessie ang nakahanda ang braso bilang depensa at si Ace ang may hawak na naka-ikot na papel pamalo sa ulo ng paborito niyang istudyante.

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon