Previous Page of 10Next Page

Jeepney Overdrive

spinner.gif

CHAPTER 14

Getting to know well...

 

 

“Classical physics became a separate science when early modern Europeans used these experimental and quantitative methods to discover what are now considered to be the laws of physics." Lecture mode ang teacher nila sa Physics, sanay na sila sa araw-araw na pag na-narrate ng teacher ng mga bagay na makikita mo rin naman sa wikipida.

 

Masisipag ang mga istudyanteng, panay ang yuko at tingala sa pagkopya ng nakasulat sa monitor. Permanente naman ang tingala ng mga istudyanteng gusto lang mag-mukhang nakikinig. Permanente rin ang yuko ng mga gustong mag-mukhang nagsusulat, pero nasa dream land na.

 

Magaling na nakakalusot ang mga pasimpleng nagda-daldalan. Ang mga ‘it-girls’... busy sa pag-aayos ng kilay kahit may guro sa unahan. May nagbabasa ng librong hindi naman related sa klase. Ganito ang buhay ni Mr. Guillermo sa tuwing papasok siya sa section 2 Pearl. Sanay na rin siya.

 

“Ok... class, copy for 15 mins.” Lumabas siya sa kwarto at napabuntong hininga. Tsk... 25% lang naman sa kanila ang nakikinig huhu... wala akong kwentang teacher.

 

Kasama sa mga permanenteng nakayuko si Jessie. Buong weekend ay ginugol niya ang araw sa pag-papalevel ng character niya sa RO. May bossania kasi at exp times, minsan lang siya magkasabay. Halos ilang araw ring siya hindi nakalaro dahil sa sipon at sa mga naganap sa mga kaibigan.

 

“Psst.”

Lumingon si Aisha sa sumitsit, si Nico... apat na upuan lang ang layo nila dahil alphabetical ang arrangement. “May sakit?” tanong nito sa kanya, si Jessie ang tinutukoy.

“Wala... puyat lang, dumating siya dito kanina... 3 gramo ang eyebag.”

“Ah, ok. Palevel siguro.”

“Siguro, bago matulog ang sabi niya... si Ifrit daw ang nakikita niya. Di ko naman yun kilala.”

 

Nagpalevel nga, kaya pala hindi namamansin... wews buti naman akala ko nakipagdate siya sa lalaking yun eh... pfft. Nagsusulat si Aisha sa notebook, pero hindi natingala sa white board. “Nakopya ka ba?”

“Ha? Ako? Hindi, si Nisa na bahal sa lecture haha.”

“Eh... ano yan?”

Pinakita nito ang notebook, miski ang apat nilang katabi... simpleng sumilip sa notebook niya. “Hehe... fanart ko kay DJ. Hahaha.”

Juice ko po. Kamot na lang si Nico.

 

Bumalik saglit sa pagtuturo si Mr. Guillermo, tapos ay dinismiss niya. Wala naman nangyaring iba, mas naging legal lang ang lahat ng ginagawa nila. Tulog pa rin si Jessie, mahimbing at nasa malayong map na ng dream land. Sumilip sa pinto si Ms. Christy, tumahimik sila saglit. Sumilip uli, hindi na sila tumahimik. Tumuloy na sa loob ang adviser, ngiting mabait ang lahat.

 

Alam nilang may balita nanaman ako kaya sila tumahimik... hays, hindi naman ako ang P.R.O ... adviser kaya nila ako... huhu. “Class, tommorow there will be a new teacher for your T.L.E class... see Mrs. Lopera is due to live for her pregnancy.”

“Ma’am lalaki po ba ang papalit?” tapos ng mag make-up si Bianca.

“Ah... hehe I’m not yet sure ee, ngayon pa lang siya darating para sa contract pero most likely babae siya.”

“Eh? Ma’am sexy po ba yung babae?” nagising si Red, ang madalas na kaaway ni Nico sa dota sa classroom at madalas mabasted ng mga babae sa school.

“Ha?! Ah hindi ko alam...” ano ba naman tong mga advisory class ko >,> “Basta tomorrow iba na ang papasok sa inyo, and the most important news is... wala kayong klase hanggang 3pm.”

 

“WOOOHOOO!” nagsaya bigla ang lahat, na walang alam kung bakit wala silang klase. Tumingin si Nico kay Jessie, pero hindi ito natitinag sa pagtulog.

“Teka lang, di pa ako tapos! The boys should come with me... no excemption.”

“Kahit kami Ma’am???” malanding tanong ni Franky.

“Oo girl... kasi, yung kalapit nating school na exclusive for girls ay... makikigamit ng quadrangle for their sports/team building stuffs, pumayag ang principal at ang student council na manghiram sila ng boys from our school para makatulong nila.”

 

“AYOOOOOOOOOOOOS!” lumakas pa lalo ang sigawan ng mga lalaking nakaamoy ng babae, sumunod na agad ang iba kay Ms. Christy. Nainis naman ang mga babaeng, naasar sa mga manyak na kaklase. Sinilip ni Nico si Jessie, natawa siya dahil tulo laway ng kaibigan. Haha, I knew it... hinaplos niya ang ulo ni Jessie, pagkatapos ay naglabas ng panyo at tinaklob sa mukha nito.

Previous Page of 10Next Page

Comments & Reviews (2)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

J. O. Chapter 14

Cast

Mariya Nishiuchias Jessie
Kim Soo-hyunas Justin
Renn Kiriyamaas Ralph
Taishi Nakagawaas Nico
Tsubasa Hondaas Jem
Yoon si Yoonas Jerome
Mokomichi Hayamias Ace
Yamada Ryosukeas Dan Jacob/ DJ

Who's Reading

Recommended