J. O. Chapter 41

2.1K 14 3
                                    

AUTHORS NOTE:

YAY, DELAY NG 2 DAYS! PERO NAG-SABI NAMAN AKO DIBA! HEHE.

SIGE NA, SPECIAL CHAPTER ITO AT SIMULA NG BAGONG SIMULA. LOLS.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - -- - - -

CHAPTER 41

Slumber Party

“Girls? Ok na ba ‘yan?” Ang tanong ni Ruth habang nakatayo sa may labas ng pinto ng kwarto ng kanyang anak. Sa unang pagkakataon ay pumayag na si Ruth na magpa-‘slumber party’ si Nisa sa bahay. Ang slumber party ay parang katumbas na rin ng ‘boys night out’ ng mga lalaki pero dito ay sa bahay lang nag-sasaya ang mga dalaga. Panjama party ang isa pang tawag dito dahil gabi ito at sa bahay ng nagimbita matutulog ang mga bisita niya. Paluan ng unan, palitan ng make-up at walang hanggang girl talk ang madalas na ginagawa ng kababaihan sa ganitong party.

“Hmm… puwede pong---”

Tinakpan ni Grace ang bibig ni Jessie na gusto pa atang padagdagan ang dinalang pagkain sa kanila ni Ruth. “Ok na po ito Tita! Hehe.”

“Uhm!” Pinapalo ni Jessie ang kamay ni Grace. Anong ok!? Kulang pa kaya ito! Gusto ko may sarili akong chicken buckeet! Sumesenyas ang kamay ni Jessie na nagsasabing kailangan pa nila ng isang bucket, pansin ni Ruth pero hindi niya maintindihan.

“Sige, hingin na lang kayo sa katulong kapag kulang pa.” Kumaway si Ruth sa mga dalagang kasama ng anak niya sa kwarto. “Enjoy the party, hihi.”

“Thank you Mama!” Kumaway si Nisa ganun na rin sina Chellie, Trixie, Aisha at Vicky.

Pagkasarado ni Ruth ng pinto, saka lang binitiwan ni Grace ang bibig ni Jessie. “Hihirit ka pa ‘eh ang dami-dami na ngang dinala dito ng mga katulong nina Nisa!”

“Kulang kaya ‘yan! Nandito rin si Vicky!” Tinuro ni Jessie si Vicky na nakakuha na ng isang pirasong manok mula sa bucket. “Tignan mo na! Inunahan pa niya ako sa chicken!” Lumipat sa tabi ni Vicky si Jessie at kumuha na rin ng isang manok. “Bahala kayo diyan ‘di namin kayo bibigyan!” Dumila si Jessie at saka kumagat sa manok na hawak niya.

“Tss, kaya kayo nagkakabilbl ‘eh.” Hamburger ang napiling kainin ni Grace.

“BILBIL!” Tumayo si Vicky sa pagkakasalagmak niya sa sahig. “Babyfats lang ‘to! Mawawala rin ‘to kapag nag-eigthteen na kami! Diba Jessie!” Lumingon si Vicky sa kapwa niya matakaw.

Sinangayunan naman ni Jessie ang kalahi. “Oo nga at saka sexy pa rin kami kahit may bilbil!”

“Hihih, papaorder na lang ulit ako mamaya kapag naubos na ‘yung foods kung kulang pa sa inyo. Huwag na kayong magtalo diyan.” Pigil ni Nisa sa tatlo. Gusto rin talaga ni Grace maki-agaw sa chicken pero alam niyang wala siyang laban sa dalawang gahaman.

“Ang laki ng kwarto mo Nisa, parang kasing laki na ‘to ng buong bahay namin! Hihi.” Puri ni Trixie na sanay sa maliliit na galawan sa bahay nila. Triple ang laki ng kwarto ni Nisa sa kwarto ni Jessie, lahat sila ay nakaupo sa sahig ng bakanteng area ng kwarto ni Nisa na walang kahit anong furniture. May sariling sala sa loob, cr at walk-in closet ang kwarto, queen size ang laki ng kama kahit mag-isa lang si Nisa na natutulog dito.

“Oo nga, ‘yung kama mo lang ata ang kakasya sa kwarto ko haha.” Puna ni Chellie na kung iraranking ay pangalawa kay Nisa pagdating sa yaman.

“Gusto ko ngang pahati ‘tong kwarto ko, gusto kong gawing office ‘yung isang side para kapag nagsusulat ako mas makakapagisip ako hihi.” Kinagatan ni Nisa ang hawak niyang sandwich.

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon