J. O. Chapter 36

1.8K 14 10
                                    

AUTHORS NOTE:

            SA WAKAS! HARHARHAR!!! NATAPOS DIN, NAPAGAMOT KO NA RIN SI PC AT NAPALTAN NA SIYA NG HD AND THANKFULLY! NA BACK UP ‘YUNG MGA FILES KO, KAYA... HAPPY PA RIN! HAHAHA.

EDITED. NADAGDAG KO NA ‘YUNG SCENE NA HINDI NA PASTE HAHA.

 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

CHAPTER 36

Confrontation

Kung nakapasok ka na sa isang luxury hotel room, suit, o kaya sa isang hotel pent house at sa mga small time hotel, love hotel and motel, malamang ay makukumpara mo sila ng malaki. Sa mga luxury hotel, madalas ay what you expect and see is what you get. Ibig sabihin kung ano ‘yung nasa catalog nila ay ‘yun talaga ang makikita mo pagpasok mo ng kuwarto. Kumpleto sa room service at bell boy, hi-tech ang mga susi at may sensor ang mga pinto. Ang mga kama ay malalambot at masarap higaan, mabango at amoy bago ang bedsheet. Malinis ang cr at may shower, may towel at mga libreng sabon, shampoo at sipilyo. Kumbaga minsan, masarap pang tumira sa loob ng isang hotel room kaysa sa sarili mong bahay.

Pero iba pagdating sa mga small time at love hotel, at sa totoo lang ay magkaiba rin ang dalawang ‘yan. Minsan may mga love hotel na serbisyong luxury hotel na rin, mga big time love hotel. May room service rin pero limitado lamang ang iseservice nila sayo, may cr na may shower at towel pero minsan ay walang mga libreng sabon at kung meron ‘man hindi ka na puwedeng humingi ulit ng kapalit. Ang mga small time hotel naman ay ang mga hotel na madalas mong makikitang nakatayo kung saan lang, may katabi ng mall, ng drugstore, ng school at kung ano-ano pa. Pero ‘di ibig sabihin na small time ay maliit lang sila, malalaki rin sila at maraming kuwarto at my elevator sa loob pero limitado lang ang mga kwarto na ‘special’. Dito ay puwede mo na rin pag-tiyagaan ang matulog pag hindi mo na talaga kayang umuwi sa sobrang kalasingan, puwede ka rin dito magpalipas ng gabi kung naistranded ka dahil sa ulan or puwede rin na doon kayo tumambay magbabarkada pag wala kayong mapuwestuhan na pag-iinuman. Ok rin naman sa mga hotel na ganito dahil minsan ay namimigay sila ng discount card at may wifi sila.

Iba rin ang motel, ito talaga ay parang kuwarto lang na may kama at maliit na cr. Minsan nga ay wala pang kama, kutson lang. Hindi rin airconditioned, stand fan lang sila o kaya ay deskfan. May maliit na lamesa sa loob at upuan pero sa sobrang liit ng kwarto ay baka hindi mo rin ito gamitin. Ang kama, tiyempuhan ang malambot, ang bedsheet, tiyempuhan ang mabango, ang unan, tiyempuhan ang may unan. Walang room service, ang pinaka room service na siguro ay ang pagkatok ng isang boy para sabihing time mo na at dapat ka ng umalis. Kung gusto mong maligo, bring your own tuwalya hindi ka kasi nakakasigurado kung fresh ba ‘yung tuwalya o baka ika sampung sampay na. Ang mga motel ay madalas na ginagamit for 2-3 hours only.

Where am I? What place is this? I don’t know how I got here? What the hell is this place?

Kisame, bintana, lamesa, kurtina lahat ng nakita ng mata ni Jem ay hindi nila kilala, ibig sabihin ay gumising siya ng wala sa loob ng kuwarto niya. Malambot ang kama na hinihigaan nia, hindi naiiba sa kama niya sa bahay ngunit puti ang kumot na hawak niya, hindi ito ang kumot niya. Pumikit at muling dumilat, nagbabakasali si Jem na panaginip lang ang lahat ngunit pag-mulat niya ay hindi nagbago ang paligid. Nasaan ba kasi ako!? Bumalikwas siya ng tayo at winasiwas ang kumot. What!?

Ang suot lamang niya ay ang kanyang underwear at blouse. What the hell happened! Nag-papanic na siya, nakita niya ang palda niya sa sahig, bukas ang kalahati ng buttones ng blouse niya at higit sa lahat ay may katabi siya sa kama, nakatalikod at nakakumot. All I can remember is that, nag-videoke kami nina Melissa and after that nag-bar kami to have some drinks para i-celebrate ‘yung pagiging successful ng plan ko. Pero hindi ko maalala kung paano ako napunta sa lugar nito, the room is great, I bet I’m in the hotel near Castro Berde, my dad have some shares in this hotel pero paano nga ako napunta dito at sino ‘to!?

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon