J. O. Chapter 44

1.1K 14 26
                                    

AUTHORS NOTE

 

            MASYADONG MATAGAL ANG DELAY, MAY NANGYARI KASI SA BUHAY NI AUTHOR AND SA NGAYON AY STRUGGLING PA SIYA SA SUGAT NA NAIWAN SA KANYA. PERO ‘WAG KAYUNG MAG-ALALA, MALAKAS AKO AT HINDI KO PAPAAPEKTO ANG TAKBO NG ISTORYANG ITO.

 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

CHAPTER 44

Issues, issues, issues

Nasa loob ng room ang katawan ni Jessie pero hindi ang utak niya, buong araw itong lumipad kung saan- saan para makahanap ng sagot kung nasaan na ba si Nico at ano ng nangyari sa kanya. Buong maghapon rin niyang hawak ang ice bag na dinidikit niya sa namamaga niyang pisngi, naging kasing lamig na rin tuloy ng yelo ang kamay na pinanghahawak niya dito. Maga pa rin ang pisngi ni Jessie na nasuntok, ilang araw pa o baka bukas pa bago ito mangitim at magkaroon ng pasa bago mawala.

Nagbago naman sa pambihirang pagkakataon ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa ni Bianca, tila masyado itong natrauma sa kamuntikan ng mangyari sa pisngi niya kung hindi siya hinarangan ni Jessie. Pagkabalik kasi ni Jessie sa room kanina ay para niyang personal servant si Bianca na binili pa siya ng pagkain, ito rin ang nagpupunta sa clinic para papaltan ang yelo sa ice bag at pinalipat pa niya ng upuan si Aisha para siya ang maging katabi ni Jessie sa loob ng room.

Iniwan ni Bianca sa ere sina Janine at April, kahit mga boys na pumuporma sa kanya ay hindi niya pinapansin, sadyang si Jessie lang ang sentro ng mata niya ngayon. Hindi na nagulat si Grace sa pagbabago ni Bianca, napapabuntong hininga na lang siya kapag tinatarayan siya nito at pinapalayo kay Jessie na parang pag-aari nito ang taong naglitas sa kanya.

“Jessie.” Nilapitan ni Chellie si Jessie sa upuan. “Kamusta na ‘yang pisngi mo? Masakit ba ang suntok ni Nico?”

“Hihi eto?” Tinanggapl ni Jessie ang icebag sa pisngi at ngumiti. “Hindi naman! Kering-keri ko naman ito haha.”

Lumapit rin sa kanya si Vicky. “Pasensya ka na kung hindi namin napigilan si Nico, na-shock lang din talaga kami sa kinilos niya. Sana hindi na mangitim ‘yang---” Hahawakan sana ni Vicky ang pisngi ni Jessie pero may pumalo sa kamay niya.

“Don’t touch her!” Si Bianca. “Hindi ka nag-alcohol! Baka mainfection si Jessie!”

“Grabe naman, hindi naman masusuntok si Jessie kundi dahil---” Tinitigan ng masama ni Bianca si Vicky kaya hindi nito napagpatuloy ang sasabihin. Tumingin si Vicky kay Jessie, nagkibit balikat si Jessie at buntong hininga. Hays, may sapi nanaman si Bianca. “Babalik na ako sa upuan ko, lagyan mo lang ng yelo ‘yan saka ointment pag-uwi mo sa bahay mawawala agad ‘yan Jessie.”

“O-oo.” Bakas ang hiya sa ngiti ni Jessie.

“Alam ni Jessie ‘yun! Sige na! Umalis ka na! Tsu! Tsu!” Tinuring na lamok ni Bianca si Vicky kung paalisin niya ito. Sumimangot sa kanya si Vikcy at Chellie, tinaasan lang niya ito ng kilay at namewang. Magandang bulaklak ang tingin ni Bianca kay Jessie ngayon pero sa mga kaibigan nitong ay ligaw na damo ang tingin niya.

Natapos ang klase nila para sa araw na ito. Walang anino ni Nico ang nagpakita o nagparamdam, pati na rin bakas ni DJ. Nakausap ni Ralph ulit si DJ kanina pero ang sabi nito ay hindi niya nahabol si Nico, hindi naman talaga inaasahan nina Jessie na mahahabol niya ito kaya maagang umalis ng school sina Kirby at Billy para tumulong sa paghahanap kay Nico. Wala parin silang matinong progress sa panghahack sa account, luwa na mata ni JC sa tapat ng laptap pero hindi niya makuha ang tamang combination ng username ng gumawa ng page.

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon