J. O. Chapter 11

2.6K 23 4
                                    

CHAPTER 11

The Voice

Sinilip ni Jerome si Jessie, tumambad sa kanya ang gulo-gulong kwarto at kama ni Jessie. Nasa sahig ang isang pillow... kalahati ng kumot ay nakalaylay, nakayakap sa malaking unan at nakalitaw ang buong hita ng kapatid. Pagka-gulo naman talaga matulog nito parang hindi babae. Niyugyug niya si Jessie para magising.

“Pupunta ka ba school? O magpapahinga ka muna?”

“Hmm...?" kalahating gising, kalahating tulog pa ito.

“Ok, maaga pa pasok ko... hindi na kita maiintay bumangon. Pahinga ka na lang din muna, text mo ko kung pupunta ka sa school niyo.”

Kiniss niya sa noo si Jessie.

“Kuya...”

“Oh?”

“Si Justin?”

“Pagka-hatid niya sayo umuwi na, magpapahinga daw siya at masakit ang likod. Mabigat ka kasi.”

Bumangon na si Jessie, na nakatingin ng masama sa kapatid. “Hindi ako mabigat...”

“Mabigat ka, kasi matakaw ka.”

Sasampalin niya dapat kaso humiga na lang siya uli. “Bigat pa rin ng katawan ko.”

“Pahinga ka na lang muna... sinave ko sa phone mo yung number niya, text mo na lang tanong mo kung nakarecover na siya sa pagbubuhat sayo... tsk tsk tsk kawawang Justin.”

Bumangon uli si Jessie at ngayon ay wala ng bakas ng antok. Kinuha ang cellphone sa table at tinignan kung totoo nga ang sinasabi ni Jerome. “Ano name niya kuya!”

“Justin Panget ata nilagay ko.”

Binato niya ang nasa sahig na pillow kay Jerome na tumama sa ulo nito. “Bakit!?”

“Insecure.”

“Mas pogi naman talaga ako ah... tss, diyan ka na nga mukhang wala ka naman na sakit eh. Kung aalis ka ng bahay magsabi ka ah.”

“Opo sir.”

“See you later..”

Nakalabas na si Jerome. Tinext ni Jessie si Justin at nag thank you, nabasa rin niya ang text sa kanya ni Grace na nagpapasalamat sa pag-gising sa kanya, nagsorry pa ito at nangako na hindi na babalik sa ugaling ganun. Hindi pa nag-rereply si Justin, naisipan niyang tawagan si Nico na may 10 miss call sa kanya. Sagutin kaya niya ako...

 

“Jessie!”

“Nico... sorry ngayon lang nakatawag.”

“Ok lang, nasabi sakin ni Kirby na nagcollapse ka raw eh... ok ka na ba? Nasan ka? Nasa hospital ka ba? Topak kapatid mo eh ayaw sabihin sakin.”

 

He is so worried.

 

“Jessie! HUI!”

“Ha... ok lang ako, medyo may sipon pa rin hihi pero ok na... nasa bahay pa ako, kagigising ko lang din kasi... ikaw ba? Nasa school ka na ba?”

“Wala pa, iniintay ko talaga tawag mo ee or kahit text lang... isang buong araw mo ko di pinansin.”

“Sorry Nicooo.”

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon